203 total views
Nagpahayag ng pagsuporta ang Philippine Catholic Charismatic Renewal Services, Inc. at Federation of Trans-parochial Charismatic Communities sa pagtataguyod ng katotohanan, katarungan at kapayapaan sa bansa.
Ito ay kaugnay sa kinakaharap na sedition case nina Lingayen Dagupan Abp. Socrates Villegas, Cubao Bishop Honesto Ongtioco, Novaliches Bp. Emeritus Teodoro Bacani Jr., at Kalookan Bp. Pablo Virgilio David, matapos mag viral ang video na “Ang totoong na Narcolist.”
Ayon kay Dr. Arcadio Tamayo, National President ng grupo, matagal nang nakatuwang at nakasama sa paglilingkod ng charistmatic communities ang apat na Obispo kaya naman mapatutunayan ng mga ito ang kabutihan at tunay na pagmamahal sa bayan ng mga pastol ng simbahan.
“We, the Philippine Catholic Charismatic Renewal Services, Inc ( PHILCCRS) and the Federation of Trans-parochial Charismatic Communities (FTCC) stand together with all the labourers in the vineyard of God in our pursuit of Truth, Justice and Peace for our country. We will continue our work of building the Kingdom by proclaiming the Truth and our mission to defend God’s people by seeking Justice for the maligned, persecuted and the oppressed. Having worked through the years so closely with the Archbishop Socrates Villegas, D.D. and Bishop Teodoro Bacani, D.D., Bishop Pablo Virgilio David, D.D., and Bishop Honesto Ongtioco, D.D., our organizations can attest to their good-will and moral ascendancy.” Pahayag ni Dr. Tamayo.
Dahil dito, binigyang diin ng grupo ang maigting na pagsuporta sa mga Obispo sa gitna ng maling akusasyon sa mga ito.
Hinimok rin ni Tamayo ang bawat mananampalataya na makilakbay sa pagsubok na kinakaharap ng mga Obispo upang lalo pang maipadama ang kanilang pagmamahal at patuloy na pananalangin.