422 total views
August 10, 2020, 2:00PM
Tiniyak ng Philippine Council of Evangelical Churches (PCEC) ang pananalangin para sa mabilis na paggaling ni Ecumenical Bishops Forum (EBF) Chairperson Kalookan Bishop Emeritus Deogracias Iniguez matapos na magpositibo sa Coronavirus Disease 2019.
Ayon kay Evangelical Bishop Noel Pantoja – National Director ng P-C-E-C, isang mahalagang kaibigan si Bishop Iniguez para sa mga pastor at simbahan ng Evangelical Churches na katuwang ng Obispo sa pagsusulong ng mga adbokasiya lalo na kaugnay sa usapin ng ekumenismo.
Pagbabahagi ni Bishop Pantoja, nawa ay hipuin ng mapagpagaling at mapaghimalang kamay ng Panginoon ang katawan at kalusugan ni Bishop Iniguez upang tuluyan ng gumaling mula sa COVID-19.
Dalangin din ni Bishop Pantoja ang muling pagbalik ng sigla at lakas ni Bishop Iniguez na kilalang aktibo sa mga gawain katuwang ng mga pastor mula sa Evangelical Churches.
“We are sudden by what we heard about the infection that had happened to our friend Bishop Deo [Kalookan Bishop Emeritus Deogracias Iniguez] and our prayers goes for him and all the churches and pastors of Philippine Council of Evangelical Churches (PCEC), we love him, we love him as a friend, he’s been in countless PCEC events so may the Lord touch his body right now, may the salvation and the mighty healing hand of our gracious and merciful heavenly Father be upon our friend Bishop Deo, we will continue to pray and trust the Lord that God will miraculously heal him and restore him to his health and even restore him in better form and shape…”pahayag ni Bishop Pantoja sa panayam sa Radyo Veritas.
Ang Ecumenical Bishops Forum ay isa lamang sa mga bumubuong member federation ng Philippine Ecumenical Peace Platform (PEPP) na pinakamalaking ecumenical peace movement ng mga lider ng Simbahan sa bansa kasama ang Catholic Bishops Conference of the Philippines, National Council of Churches in the Philippines, Philippine Council of Evangelical Churches at Association of Major Religious Superiors Men and Women in the Philippines.
Bukod sa pagsusulong ng usapin ng ekumenismo ay aktibo rin ang Ecumenical Bishops Forum sa pangunguna ni Bishop Iniguez sa pakikibahagi sa mga usaping panlipunan at pagsusulong sa pagtiyak ng karapatang pantao at digdinidad sa buhay ng bawat mamamayan.
Naunang umapela ng panalangin si Diocese of Kalookan Bishop Pablo Virgillo David para sa mabilis na paggaling ni Bishop Iniguez na kasalukuyang nagpapagaling sa San Juan de Dios Hospital.
Si Bishop Iniguez ang ikalawang Filipinong Obispo na nagpositibo sa COVID-19 kasunod ni Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo na ngayon ay ganap ng COVID-19 Free.