6,696 total views
Inaanyayahan ng Philippine Coast Guard Chaplaincy ang mananampalataya na paigtingin ang pagsusulong ng kapayapaan.
Ito ang panawagan ng P-C-G sa idinaos na Walk and Mass for Peace kung saan iprinusisyon ang imahen ng Our Lady of Peace and Good Voyage ng Diyosesis ng Antipolo simula PCG Farola hanggang PCG national headquarters.
Ayon kay Chief Chaplain Reverend Father Cost Guard Commodore Louie Palines, simula lamang ito sa pagbisita ng Mahal na Birheng Maria sa lima o anim na kampo ng PCG.
“Yun nga ang ating misyon na samahan sila sa pagdarasal para sa kapayapaan sa inspirasyon ng ating Mahal na Birhen, Our Lady of Peace and Good Voyage, sa kaniyang intersesyon we will be able to attain the peace that we are praying for. Ganun narin ang ating mga tagapakinig sa Radio Veritas, ine-encourage na sumama kayo or samahan kami sa aming panalangin para sa kapayapaan,” panawagan sa Radio Veritas ni Fr.Palines.
Nakatakda ding dalhin ng PCG chaplaincy ang isa sa dalawang imaheng iniregalo ng Diyosesis ng Antipolo sa Pagasa Islands, West Philippines Sea.
Sinabi ng Pari na layon ng inisyatibo na mapaigting ang pananalangin sa pamamatnubay ng Mahal na Birheng Maria upang maghari ang kahinahunan sa West Philippine Sea.
Ang imahen ng Our Lady of Peace and Good Voyage ay iniregalo ng Diyosesis of Antipolo sa PCG Chaplaincy.