574 total views
Umaasa si Daet Bishop Rex Andrew Alarcon, Chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Youth na maging hamon sa lahat ang Philippine Conference on New Evangelization sa pag-alis ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle upang gampanan ang pagiging Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples.
Ayon sa Obispo, dapat na magsilbing hamon para sa buong Simbahang Katolika partikular na sa bawat diyosesis at mga parokya sa bansa na patuloy na maisulong ang layunin ng PCNE na magtipon upang talakayin ang mga panibagong paraan ng ebanghelisasyon o pagpapalaganap ng Mabuting Salita ng Diyos.
Ipinagdarasal ni Bishop Alarcon na tumimo sa puso at isip ng bawat isa ang hamon ng tema ng ika-pitong serye ng Philippine Conference on New Evangelization na pagiging bukas sa pagkikipagdayalogo at pakikipagkapwa tao tungo sa kapayapaan at pagkakaisa.
“Sana kahit umalis na si Cardinal Tagle magpatuloy pa rin yung Conference on New Evangelization, well in fact yung pupuntahan niya is the Congregations for Evangelization. Sana din sa nga dioceses natin, sa parishes natin, in our small groups we continue to push new Evangelization find new strategies, new language and in this case in our spirit ngayon of dialogue, we also listen to the others particularly the non-Catholics but fellow Christians of different religions, indigenous people yung openness dito,“pahayag ni Bishop Alarcon sa panayam sa Radyo Veritas.
Naunang inihayag ng Office of the Promotion of the New Evangelization (OPNE) na dahil sa pagkakatalaga ni Pope Francis kay Cardinal Tagle bilang Red Pope ay isinagawa ng maaga ang PCNE7 upang makasama at mabigyang pagkilala si Cardinal Tagle na siyang ama ng PCNE.
Read: PCNE 7, pagpupugay kay Red Pope-elect Cardinal Tagle
Orihinal na isinasagawa ang pagtitipon tuwing ikatlong linggo ng Hulyo sa University of Santo Tomas na layuning matalakay ang iba’t iba pang paraan ng ebanghelisasyon o pagpapalaganap ng Mabuting Balita ng Panginoon.