172 total views
Mahigit na sa anim na libo ang mga delegadong dadalo sa Philippine Conference on New Evangelization (PCNE4) na isasagawa sa University of Santo Tomas sa July 28-30, 2017.
Tema ng PCNE4 ay ‘One Heart One Soul’ kaugnay na rin ng pagdiriwang ng simbahan ng ‘Year of the Parish’.
Ayon kay Fr. Jason Laguerta, director of the Office for the Promotion of the New Evangelization ng Archdiocese of Manila, binubuo ang delegado ng mga pari, layko at maging mga mula sa iba’t ibang relihiyon.
“Medyo overflow siya ng konti pero inaayos namin yung venue kaya naman i-accommodate lahat,” ayon kay Fr. Laguerta.
Ang UST Quadricentennial Pavillion ay may 6 thousand capacity.
Inaasahan din ang pagdalo ng may 200 miyembro ng Philippines National Police sa 3-day conference na isang patunay ng pakikiisa sa layunin ng Simbahan tungo sa kapayapaan.
“To be one with us. We would like to highlight the mission together na we have this initiative lalu na kapayapaan at pagkakaisa. We tried to invite all group as much as possible, meron din tayong from other religion unity among people hindi lamang mga kristiyano,” ayon kay Fr. Laguerta.
Paalala ni Father Laguerta na hanggang Sabado ay maari pang mapick-up ang PCNE kits sa Arsobispado de Manila sa Intramuros Manila at sa mga taga-malalayong lugar ay maaari naman itong kunin sa mismong araw ng conference sa U-S-T.