189 total views
Nagagalak ang Arsobispo mula sa Mindanao sa isinusulong na “Dutertenomics” ng Pangulong Rodrigo Duterte
na layong mai-angat ang ekonomiya ng Pilipinas lalu na sa kanayunan.
Ayon kay Ozamis Archbishop Martin Jumoad, makakatulong sa mga lalawigan ang mga ipinapagawang paliparan, tulay at pantalan para sa mas mabilis na palitan ng kalakal at pagpapaunlad sa ekonomiya ng kanayunan.
Sa kabila nito, pinapayuhan naman ng arsobispo ang Pangulo na maghinay-hinay sa pangungutang sa ibang bansa na maari ding magpahirap sa Pilipinas.
“Theoretically maganda po yon in order to ease traffic problems in our country, on the second aspect,
do we have the money? Are we capable of putting up those infrastructures because if it is done through credit,
kung ano’ng mga loans then we have to think twice before doing it. But in principle, I congratulate the Duterte administration for having big plans for our country. On the other hand, are we capable of financing those infrastructures, build, build build,”pahayag ni Archbishop Jumoad.
Ipinangako din ng administrasyong Duterte ang paglikha ng isang milyong trabaho kada taon sa ilalim ng Dutertenomics na magmumula naman ang pondo mula sa utang panlabas partikular sa China at Japan.
Sa panayam kay Budget Secretary Benjamin Diokno, ipinaliwanag nitong sa pamamagitan ng mga ipapatayong imprastraktura tulad ng mga tren at subway na umaabot sa halagang 9-trilyong piso ay tataas sa 10.4-percent ang Gross Domestic Product o GDP ng bansa.
Sa isang kalatas ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na inilathala noong 1990, sinasabing nararapat para sa kabutihan ng mas nakakarami ang foreign debt at hindi para diktahan ng mayayamang bansa ang mga developing countries tulad ng Pilipinas.