1,888 total views
Kasalukuyang nasa Ukraine si Italian Episcopal Conference President, Bologna Archbishop Cardinal Matteo Maria Zuppi upang makipagpulong sa mga opisyal ng bansa.
Sa pahayag na inilabas ng Vatican nitong June 5 at 6 ng manatili si Cardinal Zuppi sa Kyiv bilang kinatawan ng Santo Papa Francisco.
Layunin ng pagbisita ng opisyal na alamin ang kalagayan ng bansa makalipas ang isang taong pakikipaglaban sa pananakop ng Russia.
“The main aim of this initiative is to listen in depth to the Ukrainian authorities on the possible ways to achieve a just peace and to support gestures of humanity that help to ease tensions.” bahagi ng pahayag ng Vatican.
Matatandaang May 13 nang makipagpulong si Ukraine President Volodymyr Zelenskiy kay Pope Francis sa Vatican kung saan tinalakay ang kalagayan ng bansa at mga posibleng hakbang na makatulong ang simbahan sa pagpapahinto ng hidwaan.
Hiniling ni Zelenskiy na suportahan ng santo papa ang peace plan na nanawagang umalis ang puwersa ng Russia at wakasan ang karahasan sa Ukraine.
Nauna nang sinabi ng Vatican ang humanitarian assistance sa Kyiv kabilang na ang repatriation ng mga kabataan sa Ukraine kung saan tinatayang halos 20, 000 mga bata ang dinala sa Russia at Russian-occupied Crimea.
Si Cardinal Zuppi ay kasapi ng Rome-based peace and justice group ng Sant’ Egidio Community na aktibo sa ilang peace negotiations noong lalo sa Africa at naging daan upang mawakasan ang civil war sa Mozambique noong 1992.