27,435 total views
Ito ang mensahe ni Antipolo Bishop Ruperto Santos, CBCP Bishop Promoter ng Stella Maris Philippines sa pagsalubong ng mamamayan sa taong 2024.
Sinabi ng obispo na bukod sa pagsalubong ng bagong taon, isang mahalagang araw para sa kristiyanong pamayanan ang January 1 sapagkat ipinagdiriwang ang Dakilang Kapistahan ni Maria bilang Ina ng Diyos.
Binigyang diin ni Bishop Santos na ang kapayapaang hatid ng pagsilang ni Hesus ay higit na kinakailangan ng mundong nababalot ng tensyon at dilim bunsod ng tunggaliang nauuwi sa digmaan tulad ng mga nangyari sa Russi, Ukraine, Israel, Palestine at iba pang mga bansa sa Middle East dahilan ng pagkasawi ng libu-libong mamamayan.
Gayundin ang mga hidwaang pulitikal hindi lamang sa ibang mga bansa kundi maging sa Pilipinas at ang hindi pagkakasundo ng mga miyembro ng pamilya na ugat ng isang magulong pamayanan.
“Our beloved Blessed Mother wishes to serve the peace and reconciliation which Christ, her son, brings to this world. Peace is at hand because of Jesus. And the Mother of the Prince of Peace wishes to intercede so that the peace of her Son will rule in our lives and in the whole world,” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.
Tinuran din ng opisyal ang mapagkalingang aruga ng Nuestra Señora de La Paz y Buen Viaje na nakadambana sa International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage na dinarayo ng mga deboto.
Ayon kay Bishop Santos, kabilang sa misyon ng Mahal na Ina ang lingapin ang sangakatauhan tungo sa kabutihan at gagabay sa landas ng kanyang na si Hesus.
“Our Blessed Mother sees and knows our needs and would always desire what is good for us. She wants to help us to turn to Christ and be strengthened by His love and mercy. Many aspects of her attitudes and reactions are helpful to us in the way we grow in faith today,” ani Bishop Santos.
Tinukoy ni Bishop Santos si Maria bilang puspos ng grasya sapagkat ito ang kinalulugdan ng Diyos upang ipaglihi ang kanyang anak na magdadala ng kapayapaan at kaligtasan ng mundo.
Inihayag ng Obispo na ang bawat isa ay inaanyayahang tuluran ang kababaang loob ng birheng Maria na sinunod ang kalooban ng Diyos.
“Like the Virgin Mary, we can also become full of grace through our daily walk with the Lord. When we respond to the words of God, we also become filled with grace, and we carry Him within us wherever we may be,” giit ni Bishop Santos.
Hinimok ng simbahang katolika ang mananampalataya na dumalo sa mga banal na misa sa January 1 sapagkat ito ay isang araw ng pangilin o Holy Day of obligation ng mga kristiyano.