215 total views
Nagpahayag ng pagkabahala ang Malacañang partikular na ang Government Peace Panel kaugnay sa mga serye ng pag-atake ng mga hinihinalang New People’s Army sa ilang bahagi ng bansa.
Ayon kay Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza, nakababahala ang naturang mga pag-atake lalo’t umiiral ang unilateral ceasefire na ipinatutupad kasabay ng patuloy na usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at rebeldeng grupo.
Nangangamba si Dureza na maaring masayang ang magandang development o progresong nagawa ng dalawang panig sa ganap na pagsusulong ng kapayapaan sa bansa.
“We are distressed and extremely disturbed by the recent series of attacks and harassment by alleged NPA elements in various areas nationwide. The unilateral ceasefire was precisely set in place to provide an enabling environment for the ongoing peace talks and also to secure the support of the stakeholders and the bigger public in understanding and supporting these unprecedented, although small but significant steps, for sustainable peace in the land. We do not wish to unnecessarily squander those gains that even saw president Duterte exercising strong political will to move the peace process forward.”pahayag ni Dureza.
Dahil dito, umaasa pa rin ang pamahalaan na magiging prayoridad din ng rebeldeng grupo ang pagkamit ng tunay na kapayapaan sa pamamagitan ng pagtupad sa mga naunang kasunduan, kung saan nito lamang ika-25 ng Enero natapos ang ikatlong round ng Peace Talks na isinagawa sa Rome, Italy.
Magugunitang unang binigyang diin ng Kanyang Kabanalan Francisco ang pagsusulong sa pagkakaisa at kapayapaan bilang isa sa pangunahing misyon ng Simbahang Katolika na matiyak ang kapakanan at kabutihan ng sangkatauhan.