Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pekeng krisis sa tubig?

SHARE THE TRUTH

 223 total views

Mga Kapanalig, sinasabi sa mga panlipunang turo ng Simbahan na tungkulin ng mga namamalakad ng ating pamahalaan na tiyaking nakakamit ng mga mamamayan ang kanilang mga karapatan, kabilang rito ang pagkakaroon ng sapat at malinis na tubig. Samantala, ang pribadong negosyo ay dapat nakatuon sa pagtulong sa mga taong makamit ang kanilang mga pangangailangan at hindi sa pagkakaroon lamang ng malaking kita. Katulad ng pamahalaan, ang mga negosyo ay nariyan upang maglingkod sa tao, hindi ang tao ang maglilingkod sa kanila.

Sa nangyayari ngayong krisis sa tubig na nakaaapekto sa 1.2 milyong customers ng Manila Water, mahirap maaninag kung interes nga ba ng mga mamamayan ang inuuna ng ating pamahalaan at ng mga negosyanteng pinagkatiwalaang pangasiwaan ang suplay ng tubig.

May mga nagsasabing gawa-gawa lamang ang krisis sa tubig. Kung may fake news, may fake crisis na rin! Bakit daw walang tubig ang mga customers ng Manila Water samantalang tuluy-tuloy ang suplay sa mga lugar na sineserbisyuhan ng Maynilad? Bakit daw bumababa ang lebel ng tubig sa La Mesa Dam gayong normal ang lebel ng tubig sa Angat Dam? Noong una, El Niño ang sinisi ng pamunuan ng Manila Water. Sumunod rito ang pag-amin ng Manila Water na hindi nito natapos ang isang treatment facility na magdadagdag dapat ng suplay ng tubig.

Ngunit ngayon, inuugnay na ang krisis sa pagtatayo ng Kaliwa Dam na ang 85% ng kabuuang halaga ay uutangin ng pamahalaan mula sa China. Noong pang isang taon naging “done deal” o napagkasunduan na ng pamahalaang Pilipinas at China ang pagpapatayo ng dam na nakatutulong daw na masolusyonan ang kakulangan ng suplay ng tubig para sa napakalaki at lumalaking populasyon ng Metro Manila. Sabi ng MWSS, kasado na ang proyekto at hindi na raw ito dapat ipagpaliban, kahit pa tumututol ang ilang bayan sa Quezon at Rizal gayundin ang mga katutubong itinuturing na ancestral domain ang mga kabundukang daraanan ng imprastraktura. Nagbabala rin ang mga environmental groups katulad ng Haribon na sisirain ng Kaliwa Dam ang tahanan ng libu-libong hayop at halaman sa Sierra Madre, at hindi na maibabalik ang balanse sa ating kalikasan kung mawala ang mga ito. Suportado ng Diyosesis ng Infanta, sa pamamagitan ni Bishop Bernardino Cortez, ang mga grupong tumututol sa imprastrakturang ipinipilit ng administrasyong Duterte na ipatayo.

Ang problema ng kakulangan ng tubig sa Metro Manila ay isyung dapat alamin, intindihin, at usisain nating lahat. May epekto sa ating lahat ang anumang hakbang na ginagawa ng ating mga lider at ang pinapasok nilang kasunduan sa mga pribadong negosyo. Kung ipipilit ng pamahalaang itayo ang dam sa kabila ng panganib na dala nito sa kalikasan at sa mga taong nakatira sa paligid nito, magkakaroon nga ng tubig ang mga taga-Metro Manila ngunit mamamatay naman ang maraming hayop at halaman at mapapaalis naman sa kanilang tahanan ang mga kababayan nating katutubo. Kung totoong malulubog tayo sa utang sakaling China nga ang magpondo ng malaking bahagi ng gagastusin para sa Kaliwa Dam, tayong lahat ang magbabayad nito, hindi lamang ang mga taga-Metro Manila. Maging babala sana para sa atin ang nangyayari ngayon sa ibang bansang lubog sa utang sa China, gaya ng Sri Lanka na ipinaubaya na sa China ang kanilang pangunahing pantalan sa loob ng halos 100 taon dahil hindi nila kayang bayaran ang kanilang utang!

Sa huli, mga Kapanalig, nasa kamay nating lahat kung pahihintulutan nating matuloy ang mga imprastrakturang magdudulot ng malawakang pinsala sa tao at kalikasan, at maglalagay sa mga susunod na henerasyon sa malalim na pagkakautang. Maliban sa pagtitipid ng tubig sa harap ng krisis na ito, mahalagang sinusubaybayan din natin ang mga ginagawa ng pamahalaan dahil apektado tayong lahat ng gagawin nilang mga pagpapasya.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 21,110 total views

 21,110 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 35,766 total views

 35,766 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 45,881 total views

 45,881 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 55,458 total views

 55,458 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 75,447 total views

 75,447 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 21,112 total views

 21,112 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 35,768 total views

 35,768 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 45,883 total views

 45,883 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 55,460 total views

 55,460 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 75,449 total views

 75,449 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 47,818 total views

 47,818 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 42,843 total views

 42,843 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 46,412 total views

 46,412 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 58,867 total views

 58,867 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 69,934 total views

 69,934 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 76,253 total views

 76,253 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 80,864 total views

 80,864 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 82,424 total views

 82,424 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 47,985 total views

 47,985 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 69,275 total views

 69,275 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top