244 total views
Bahagi na ng buhay ang pagkakaroon ng gusot maging ito man ay relasyon sa loob ng pamilya o anumang samahan.
Ayon kay Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, dahil bahagi rin ng problema ang kakayahan ng bawat isa na humanap ng solusyon sa anumang problema.
“May tendency ngayon na kapag na nagkaroon lamang ng konting problema sa pamilya, ang interpretasyon agad ay signal na ito para tayo ay maghiwa-hiwalay,” ayon kay Cardinal Tagle sa isinagawang Truth Forum sa Radio Veritas.
Giit ni Cardinal Talge, maling isipin na ang anumang problema ay isang signos ng paghihiwa-hiwalay halimbawa na lamang sa isang pamilya na ang pangunahing maapektuhan ang mga kabataan.
“Yung maghanap ng perfect smooth seamless na sitwasyon ay ilusyon,” paliwanag ni Cardinal Tagle.
Pakiusap ng kaniyang Kabunyian dapat isaalang-alang tuwina ang kabataan na nagsisimula pa lamang sa kanilang buhay na tatanggap ng pagdurusa sa paghihiwalay ng mga magulang.
Sa isinagawang ‘Walk for Life’ noong February 24 sa Quirino Grandstand kabilang sa pangunahing tinututulan ng libo-libong nakiisa sa programa ay pagtutol sa ‘divorce’ na nakatakda ng talakayin sa plenary ng Mababang Kapulungan.
Nagpalabas na rin pastoral statement ang Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Family and Life (CBCP-ECFL) na may titulong ‘No to Divorce!’
Binigyan diin ng CBCP-ECFL na ang isinusulong na panukala na nasa plenary ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ay laban sa pamilya at laban sa kasal na dapat mas pinatatatag ng estado sa halip na buwagin.
Sa kasalukuyan, bukod sa Vatican tanging ang Pilipinas na lamang ang bansang hindi umiiral ang diborsyo.
Sa panig naman ng Sangguniang Layko ng Pilipinas, hindi akma ang diborsyo sa bansa dahil ang mga Filipino ay may kultura na mapagmahal sa pamilya.