143 total views
Mariing tinututulan ng Alliance of Concerned Transport Organization o ACTO ang planong pagphase-out sa mga lumang pampasaherong jeep bilang solusyon sa lumalalang polusyon sa hangin sa Metro Manila.
Ayon kay ACTO President Efren De Luna, maging ang mga jeepney drivers at ang mga pamilya nito ay naaapektuhan din ng maruming hangin subalit mas magiging apektado ang mga ito kung mawawalan ng hanap-buhay ang kanilang pamilya.
Giit ni De Luna, sa halip na sisihin ang mga PUJ sa paglala ng polusyon sa hangin ay dapat tulungan ng pamahalaan ang sektor upang mapabuti ang kanilang pamumuhay.
Ang planong pag phase out sa mga pampasaherong jeep ay bahagi ng pagpapaigting ng Department of Environment and Natural Resources sa Philippine Clean Air Act of 1999.
Ayon sa ACTO, aabot sa 90 porsiyento ng 60,000 PUJ sa bansa ang maaapektuhan ng pag phase-out sa mga jeep na mahigit 15 taon na dahil karamihan sa mga ito ay nagmula sa surplus noong taong 2000.
Una nang binigyang diin ni Pope Francis sa Laudato Si ang kahalagahan ng pagsasaalang-alang ng lahat ng sektor ng lipunan sa mga hakbang upang mapangalagaan ang kalikasan.