161 total views
Ikinalulungkot at ikinagulat ng Obispo ng Mindanao na ginagamit na ang mga bata o “menor de-edad” sa mga suicide bombing na nangyayari sa ibang mga bansa.
Ito ang naging damdamin ni Malaybalay Bishop Jose Cabantan sa pagkamatay ng 51-katao sa isang wedding reception sa Turkey na sinasabing kagagawan ng Islamic State of Iraq and Syria o ISIS.
Iginiit ni Bishop Cabantan na hindi katanggap-tanggap ang pagtrato at paggamit sa mga inosenteng bata sa karahasan tulad ng suicide bombing.
Nanindigan ang Obispo na kailangang nang matigil ang phenomenon ng “Children’s warrior”.
Inihayag ni Bishop Cabantan na karapatan ng mga bata na makaranas ng kapayapaan, kaayusan ng buhay at ma-enjoy ang pagiging bata.
“That is very shocking, awful, sad news. That is an abominable treatment of children. The phenomenon of children warriors is a deplorable condition which needs to be stopped immediately,”giit ni Bishop Cabantan.
Sa record ng Religion of Peace, umaabot na sa 1,274 ang Islamic attack sa 50 mga bansa kung saan 11,774-katao ang namatay at 14,303 naman ang nasugatan mula taong 2015 hanggang 2016.