311 total views
Tiniyak ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang pagpapalawig ng mga inisyatibo sa Universal Healthcare System ng bansa.
Ayon kay Shirley Domingo – PhilHealth Vice-President for Corporate Affairs Group, layunin ng kanilang ahensya na maabot ang bawat Pilipino maging ang mga nasa pinakamahihirap na lugar upang maging miyembro.
Ito ay sa pamamagitan ng paglulunsad ng mga Programang katulad ng ‘Alaga ka’ sa ibat-ibang rehiyon, na pinapaalam ang kahalagahan ng pagkakamit ng PhilHealth Premium.
“Yung importante is malaman nila ang kanilang mga benefits through information drive yung ating mga regions po ay nagko-conduct ng tinatawag nating ‘Alaga Ka’ yung maraming participants diyan is from the indigent sector although lately just before the pandemic kino-conduct narin sa ibang membership sector,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Domingo.
Nilinaw naman ni Rex Paul Recoter – PhilHealth Senior Manager Formal Sector-Member Management Group para sa mga kasambahay na kumikita ng hindi tataas ng 5-libong piso kada buwan na hindi na ikakaltas sa kanilang sahod ang buwanang PhilHealth premium membership.
Sa halip ayon kay Recoter ang kanilang mga employers ang kakailanganing magbayad ng bayarin, habang kung tataas hindi naman tataas sa 10-libong piso ang sahod ay tig 50% hatian sa pagitan ng kasambahay at kanilang employers.
Inihayag naman ni Dra. Mary Antonette Remonte – PhilHealth Acting Senior Vice-president for health Finance Policy Sector na padadaliin ng ahensiya ang pagbibigay ng tulong pinansiyal sa mga kabilang sa Severe Acute Malnutrition (SAM).
Ayon kay Remonte, sa pamamagitan ng hakbang katulong ng agapay ng mga lokal na pamahalaan at Department of Health ay mapapalawig ng PhilHealth ang tuluyang pagsugpo sa suliranin ng malnutrisyon higit na sa mga kabataan.
Matapos ang kaniyang operasyon sa kondisyon ng ‘colon diverticulitis’ noong nakalipas na taon ay nanawagan ang Kaniyang Kabanalang Francisco na gawing libre ang Universal Health Care System sa buong mundo.