215 total views
Opisyal ng nagsimula ang diplomatic mission ni Philippine Ambassador to the Holy See Grace Relucio-Princesa bilang kinatawan ng Pilipinas sa Vatican.
Sa pamamagitan ng isang pormal na seremonya noong September 1, 2018 sa Vatican, personal na inihayag ng bagong kinatawan ng Pilipinas ang kanyang credentials sa Kanyang Kabanalan Francisco.
Matatandaang sa naunang panayam ni Ambassador Prinsesa sa Radyo Veritas ay kanyang inihayag na malaki ang maitutulong ng kanyang karanasan sa pagiging Ambassador of the Republic of the Philippines to the United Arab Emirates at pagiging malapit sa Simbahan upang mas maging epektibo sa kanyang panibagong posisyon.
Naniniwala rin si Ambassador Prinsesa na siya ay inihanda ng Panginoon para sa kanyang pagganap sa posisyon bilang Philippine Ambassador to the Holy See sa pamamagitan ng kanyang pagiging lantad sa iba’t ibang mga usapin tulad ng migration, Human Trafficking, Climate Change at pagharap sa media.
Kilala si Ambassador Prinsesa bilang “Nanay Amba” na nagtapos ng Foreign Service in University of the Philippines at 20-taon sa Philippine Diplomatic Service bago naging Assistant Secretary ng Legislative Liaison Unit ng Department of Foreign Affairs.
Read: https: Bagong Philippine Ambassador to the Holy See, umaapela ng panalangin