199 total views
Maagang nagpahatid ng mensahe ang Kanyang Kabunyian Manila archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na makikibahagi ang Simbahan para sa International Day for Natural Disaster Reduction na magaganap sa October 13, 2017.
Sa pamamagitan ni Fr. Ric Valencia, Caritas Manila Damayan Program Priest Minister at in charge sa Disaster Risk Reduction and Management Program at Ecology Ministry, sinabi ng Kardinal na kinakailangan maipaabot sa international communities na aktibo ang Simbahan sa mga gawain upang mabawasan ang malalang epekto ng mga kalamidad.
Pahayag pa ni Fr. Valencia na kailangan maging aktibo ang Simbahan sa pakikilahok sa ‘natural disaster activities’ at ipaalam sa publiko kung gaano kalala rin ang epekto ng manmade disaster gaya ng digmaan.
“Ang Mahal na kardinal ay nagpaabot din ng kanyang opinyon sa selebrasyon ng International Natural Disasters, (International Day for Natural Disaster Reduction) sabi niya next year (October 13, 2017) we are going to cooperate and much clearer pagdating sa pagkilos ng Simbahan in order to show also the international communities that we are really involved in reducing the risk of natural hazard. Pero sabi rin niya, when this was declared malamang hindi pa rin nagkaroon ng mas malawak na kaalaman patungkol sa man-made disasters kung minsan much more devastating than the natural disasters tulad ng digmaan sa paligid na talagang ang buong bansa nasisira gaya sa Syria. Maybe next year we can participate in the natural disaster activities that we can make people aware na may disaster na tao mismo ang gumagawa,” pahayag ni Fr. Valencia sa panayam ng Radyo Veritas.
Sa latest report ng United Nations UN’s refugee agency tinatayang 65.3 milyong tao ang refugees sa buong mundo hanggang nitong 2015 dahil sa digmaan kung saan 4.8 milyon dito taga Syria.
Paulit-ulit ang panawagan ni Pope Francis lalo na sa mga lider ng makapangyarihang mga bansa na ampunin ang mga refugees lalo na ang mga bata at kababaihan na igalang ang kanilang mga karapatan lalo na at sila ay bahagi at kinabukasan ng lipunan.