13,548 total views
‘Tracks to tomorrow: Exploring the Frontier of Philippine Railway Tech’ ang magiging tema ng pagdaraos ng Philippine Railway Tech Expo 2024 sa ika-26 ng Hunyo sa Manila Marriot Hotel.
Ayon kay Mark Bronola na Head of Sales and Production ng Escom Events, layunin ng gawain na mapagsama-sama ang pamahalaan, dalubhasa at mga pribadong kompanya na may kaugnayan sa pagtatayo ng railways sa Pilipinas.
Ito ay upang makapag-diyalogo ang tatlong stakeholders at makabuo ng mga pagkakasundo o hakbang na magpapabuti at magpapaunlad sa sektor ng transportasyon partikular na ang railyway sector.
“They are tech leaders, techonology leaders, chief engineers, railways operators etc so ang focus ng event, ang focus ng conference, we have crucial topics that will go around the theme of the event so first, technology, digitalization and innovations for all the railway projects in the Philippines,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Bronola.
Sinabi ni Bronola na hangarin ng expo na matugunan ang mga suliranin sa lipunan katulad ng mabigat na daloy na trapiko.
Inihayag ni Bronola na lumalala na ang pasakit sa pagko-commute ng mamamayan na naninirahan sa matataong lugar o siyudad kung saan ginugugol ang mahabang pila at mahabang oras sa biyahe dahil sa mabagal ba daloy ng trapiko at siksikan na kalagayan sa mga public transportation.
“Off course the advancement of those projects so siguro yung mga goals is off course you know, to lessen the traffic in the other cities, not just only in Quezon city but connecting the provinces going to the cities, para naman yung mga empleyado natin, yung mga employeers or other people can go back and fort,” ayon pa sa panayam ng Radio Veritas kay Branola.
Unang sinuportahan ng United Nations Centre for Regional Development (UNCRD) ang pagtatayo ng mga railways na layuning makatulong sa mga mamamayan at kalikasan.
Suportado din ng kaniyang Kabanalang Francisco ang pagpapatayo ng mga imprastrakturang nakatuon sa pagpapaunlad ng buhay ng mga mamamayan.