348 total views
Yakapin ang katotohanan at iwaksi ang isinusulong na kasinungalingan sa itinuturing na madilim na bahagi ng kasaysayan ng bansa.
Ito ang binigyang diin ng grupong One Faith One Nation One Voice na binubuo ng iba’t ibang mga relihiyon at denominasyon sa patuloy na mga tangka ng historical reversionism sa mga naganap sa bansa noong panahon ng Martial Law at sa ikalimang taon ng pagkakalibing sa labi ng dating pangulong diktador na si Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.
Ayon sa grupo, hindi kailanman maituturing na isang bayani si Marcos na may bahid ng dugo ang mga kamay.
Pagbabahagi ng One Faith One Nation One Voice, hindi dapat hayaan ng bawat mamamayan na muling maulit pa ang madilim na kasaysayan ng bansa mula sa paniniil ng rehimeng Marcos.
“Embrace the truth: Marcos is no hero! Those whose hands are bloodied by killings and tainted by death and destruction are not worthy of emulation. One Voice denounces the evil of martial law and raises the dangers of allowing its resurgence through candidates of the same fabric of lies, tyranny and human degradation. Stand for truth and a future full of hope.” pahayag ng One Faith One Nation One Voice.
Ipinaliwanag ng grupo na mahalagang maging mapanuri ang bawat mamamayan partikular na ang mga botante sa nakatakdang halalan lalut kandidato sa pagkapangulo si bongbong Marcos.
Giit ng One Faith One Nation One Voice, hindi dapat na magbulag-bulagan ang bawat mamamayan sa mga tanda at ebidensya ng madilim na kasaysayan ng bansa sa ilalim ng batas militar ng rehimeng Marcos.
“With the election season upon us, we underscore that every Filipino should assess and consider carefully what is true: Marcos is no hero. Let us not be misled by any attempt to distort and reframe history. The evidences of the dark days of Martial Law are before us: the tortures, imprisonments, and killings of thousands; the widespread poverty and massive corruption; and an era of massive foreign borrowings plundered by Marcos and his cronies, debts future Filipino taxpayers had to pay. Marcos is no hero.” Dagdag pa ng One Faith One Nation One Voice.
Kaugnay nito patuloy ang paanyaya ng Simbahan sa may 63-milyong mga rehistradong botante para sa pagkakaroon ng One Godly Vote sa nakatakdang 2022 National and Local Elections sa pamamagitan ng gabay ng mga panlipunang turo ng Simbahan.
Kabilang sa mga lumagda sa naturang pahayag ng One Faith One Nation One Voice ay mga kinatawan mula sa Simbahang Katolika at iba’t ibang denominasyon na kinabibilangan nina:Most Rev. Broderick S. Pabillo, D.D,,Vicar Apostolic of Taytay, Palawan
Most Rev. Gerardo Alminaza, D.D. Diocese of San Carlos
Bishop Reuel Norman Marigza,General Secretary,National Council of Churches in the Philippines
Most Revd. Rhee M. Timbang, Obispo Maximo, Iglesia Filipina Independiente
The Rt. Rev. Rex Resurreccion B. Reyes, Jr.,The Episcopal Diocese of Central Philippines (EDCP)
Bp. Emergencio Padillo, United Church of Christ in the Philippines (UCCP)
Br. Armin A. Luistro FSC, Brother Visitor, Lasallian East Asia District
Sr. Rowena Pineda, MMS, Chairperson Sisters Association of Mindanao (SAMIN)
Sr. Ma. Lisa Ruedas, DC, Justice Peace and Integrity of Creation