198 total views
Tandaan ang mga pulitikong tiwali, nagnakaw sa kaban ng bayan at sinungaling.
Ito ang panawagan ni Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos sa mga botante maging ang mga botante sa ibayong dagat.
“Remember those who steal, rob and plunder are not honest. Those who make politics as family business is not hardworking. Those who enrich themselves is not helpful,” ayon sa pahayag ni Bishop Santos-Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People.
Panawagan din ni Bishop Santos sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) na piliin ang mga kandidatong tapat, masipag, at makakatulong sa bansa na tulad rin ng mga Filipino na handang magsakripisyo para sa kanilang mga mahal sa buhay.
“Our beloved OFWs, you are honest, hardworking and helpful. Use your right to vote, vote whom like you: 3H, honest hardworking and helpful,” ayon pa sa Obispo.
Sa tala ng Commission on Elections, may 60 milyon ang bilang ng mga registered voters kabilang na dito ang 1.8 milyong OFW na makikibahagi sa midterm elections ngayong taon.
Sa katatapos lang na ‘Walk For Life’, inanyayahan ni Bishop Broderick Pabillo ang mga nakiisa na gawing pamantayan sa pagboto ang pagpili sa mga kandidatong may paggalang sa buhay at dignidad ng bawat mamamayan.
Una na ring hinihikayat ng Santo Papa Francisco ang lahat na ipagtanggol ang buhay dahil ito ay isang dakilang biyaya ng Panginoon sa sangkatauhan.
Ang Pilipinas mula sa 86 na milyong populasyon ng mga katoliko ay binuo ng 99 na porsiyento ng mga binyagan o mga layko.
Sa panlipunang turo, ang simbahan bawat layko o mga binyagan ay tinatawagan na isabuhay ang turo ng Diyos sa lipunang kanilang kinaaaniban.