2,313 total views
Nanatiling alipin sa kasalukuyan ang bansang Pilipinas.
Ito ang saloobin ni Tarlac Bishop Enrique Macaraeg sa nalalapit na selebrsayon ng bansa sa ika-119 taong independence day sa ika-12 ng Hunyo.
Tinukoy ni Bishop Macaraeg ang kahirapan, korapsiyon at pananamantala na tunay na umaalipin sa sambayanang Filipino.
Inihayag ng Obispo na ang kasalukuyang kinasasadlakan ng Pilipinas ay malaking hamon sa sambayanang Filipino na ipagpatuloy ang paglaban at paninindigan upang maging hanap na malaya ang lahat sa pagiging alipin.
Iginiit ng Obispo na ang araw ng kalayaan na ipagdiriwang ay isang paalala sa lahat ng Filipino ang pagbubuwis ng buhay, pagsasakripisyo ng ating mga bayani upang tayo ay magkaroon ng kalayaan sa kaisipan, sa gawa, sa pananalita at maging sa kalayaan sa relihiyon.
“Ipagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan na ating tinatamasa ngayon dahil sa sakripisyo at pabububwis ng buhay ng ating mga ninuno. Mayroon tayong freedom of thoughts, actions, speech at religion. Ngunit alalahanin natin na hindi pa ganap ang ating kalayaan. Nandyan pa rin ang ating pagiging alipin ng kahirapan, korapsyon, exploitation at iba pa. Kaya ang hamon sa atin ay ipagpatuloy ang ating struggle para magiging malaya tayo sa mga anuman na nakapagaaalipin sa atin.”pahayag ni Bishop Macaraeg sa Radio Veritas
Sa pinakahuling survey ng SWS,umaabot sa 50-porsiyento o katumbas ng 10-milyon na pamilyang Filipino ay nakararanas ng kahirapan sa 20 mga lalawigan sa bansa sa pangunguna ng Sorsogon kung saan naitala sa 44.8 porsyento ang poverty incidence.