456 total views
Isa sa pinakadakilang bansang Katoliko ang Pilipinas.
Ito ayon kay Pope Francis sa mensaheng ipinadala kay Osaka Archbishop Thomas Manyo Cardinal Maeda.
“Indeed, the noble Church in the Philippines now stands among the great Catholic nations in the entire world. Hence, no wonder, she continuously sends missionaries to other regions,” ayon sa mensahe ni Pope Francis sa ipinadalang liham kasabay na rin ng pagtatalaga kay Cardinal Maeda bilang kinatawan ng Vatican.
Dagdag pa ng mensahe, sa katunayan ang dakilang simbahan sa Pilipinas ay nakatayo sa gitna ng mga dakilang Katolikong bansa sa buong mundo.
Si Cardinal Maeda- ang magiging kinatawan ng Santo Papa Francisco sa nakatakdang pagdiriwang ng ika-60 anibersaryo ng Manila Cathedral post war reconstruction.
Pangungunahan din ni Cardinal Maeda ang misa sa Minor Basilica kasabay ng kapistahan ng Solemnity of the Immaculate Concepcion sa ika-8 ng Disyembre alas-12 ng tanghali.
Si Cardinal Maeda ang kasalukuyang bise presidente ng Catholic Bishops Conference ng Japan.
Kalakip din ng liham ang pagbabasbas ng Santo Papa Francisco sa dakilang pagdiriwang sa Pilipinas; “We therefore abundantly pou upon you our Apostolic Blessing; and we generously share it with all those to whom you will be sent; beloved pastors, seminarians, religious men and women and lay Christian faithful, most especially the poor and the children,”
Ang kasalukuyang katedral ay muling naitayo taong 1958 sa pangunguna ng noo’y si Manila Archbishop Rufino Santos matapos itong masira dahil sa digmaan.