154 total views
Nakalulungkot at kahiya-hiya ang Pilipinas sa pinal na desisyon ng Bureau of Immigration na ipadeport si Sr. Patricia Fox, NDS.
Ayon kay Sorsogon Bishop Arturo Bastes, chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Mission hindi katanggap-tanggap ang pagtrato ng Bansa sa Misyonerong dayuhan na tumutulong sa mga katutubo at mahihirap.
“This is a Very Sad Development talagang hindi ito mabuti. I am Ashame of the Government.” pahayag ni Bishop Bastes sa Radio Veritas.
Iginiit ni Bishop Bastes na nakumpirma ang hinala ng mga Obispo, at ilang Lider ng Simbahan sa bansa na inuusig ng pamahalaan ang mga taong pumupuna sa pamamalakad ng kasalukuyang Administrasyon.
Sinabi ng Obispo na sa mahigit 27 taong paninirahan ni Sr. Fox sa Pilipinas, Mabuti ang pakikitungo at paglilingkod ng Madre sa mga lumad sa nakararanas ng mga pangmamaliit, pang-aapi at pinprotektahan ang mga inaabuso ang karapatang pantao.
“We know that Sr. Fox is a very good missionary that she has live in the Philippines in the longtime especially for the lumads, the natives, and we know that she symphatizes for the defense of the human rigths of the Lumads.” dagdag ni Bishop Bastes.
Ibinahagi ng Obispo na maraming mga katutubo ang napilitang lumikas sa kanilang mga tahanan para sa kaligtasan na nakararanas ng panggigipit mula sa mga Sundalo dahil itinuturing itong kasapi ng Komunistang grupo o ng New People’s Army.
Hinala ng Obispo na mga malalaking Kumpanya ng Mina ang humihikayat kay Pangulong Rodrigo Duterte na akusahan ang mga lumad na bahagi ng makakaliwang grupo upang makuha ang kanilang lupa para sa pagmimina.
“This mining companies are urging the President accuse this lumads being Communists or being Leftists because they have bad intention of occupying their land.” ayon kay Bishop Bastes.
Inihayag ni Bishop Bastes na ito ang kauna-unahang kaso ng pagpapaalis ng misyonero ng simbahan na tumutulong para sa ikabubuti ng mamamayan sa bansa.
“It’s a crime to deport someone who is doing good for our people of the country.” pahayag ni Bishop Bastes
Tiniyak ng Obispo na kaisa ng mga Obispo sa Pilipinas, mga Pari at Relihiyoso ay ipaglaban nito ang karapatan ni Sr. Patricia Fox, NDS.
Ika – 19 ng Hulyo nang inilabas ng Bureau of Immigration ang Desisyon kaugnay sa kasong Deportasyon laban sa 71 -taong gulang na Misyonerong Madre dahil sa Akusasyong pakikisangkot sa mga Political Activities sa bansa.
Noong ika – 18 ng Hunyo ng kinatigan naman ng Department of Justice ang apela ni Sr. Fox na salungatin ang naunang desisyon ng Immigration na paalisin na ito sa Pilipinas at pagkansela sa Missionary Visa ng Madre.
Nauna nang iginiit ng Simbahan Katolika na ang pagtulong ni Sr. Fox sa mga katutubo sa bansa ay bahagi ng pagtupad sa misyon ng Simbahan na kalingain ang mga nangangailangan, naaapi at mga naaabuso ang karapatang pantao.