206 total views
Kasangkapan ng Diyos ang Pilipinas para ibahagi ang kanyang awa.
Ito ang reaksyon ni Caloocan Bishop Emeritus Deogracias Iniguez kaugnay ng pagsasagawa ng 4th World Apostolic Congress on Mercy sa bansa kung saan nasa ika-apat na araw na ngayon ang pagtitipon.
Nagagalak din ang obispo dahil sa bilang ng mga nakikibahagi sa banal na pagtitipon na tanda rin ng pagpapalaganap ng pananampalataya.
“Tunay na nakaka-encourage itong attendance na ating nakikita maging ang kanilang mga reactions, nakikita natin na talagang nadarama ang mercy kaya nga ‘Communion of Mercy’ at higit nating nakikilala na tayo ang kasangpakapan, ang gamit ng Panginoon upang maabot ng lahat ang kanyang Mercy. This days are truly days of faith na pag-unlad natin sa ating pananamampalataya at ang Panginoon ay nahabag sa ating lahat.” pahayag ni Bishop Iniguez sa panayam ng Radio Veritas.
Umaasa din ang obispo na ang WACOM ay magsilbing gabay sa mga nakikibahagi na magbigay ng higit na kaalaman at pagpapahalaga sa ‘Corporal at Spiritual Works of Mercy’ sa pamamagitan ng pagbabahagi ng awa sa kapwa.
“Mula’t-mula pa alam natin itong 7 spiritual and 7 corporal works of mercy sa tradisyon ng ating Simbahan ito yung naging common way na madali nating magampanan upang madama natin at maipadama sa iba ang Mercy of God, kaya sana itong WACOM ay magbigay ng higit na kalaaman at unawa at pagpapahalaga sa corporal and spiritual works of mercy.” Ayon pa kay bishop Iniguez.
Samantala, nasa yugto na ng pagsasalin ng awa sa pamamagitan ng pagdalaw sa “Places of Mercy” ang 4th World Apostolic Congress on Mercy sa Bulacan.
Ayon kay Fr. Prospero Tenorio, secretary general ng WACOM4 Asia, sa ika-apat na araw ng okasyon ngayon, 15 charitable institutions ang dadalawin ngayon ng mga delegado para sa pagsasabuhay ng habag.