15,003 total views
Kinilala ng International Labor Organization (ILO) ang Pilipinas bilang kauna-unang bansa sa Asya na ratipikahan ang mga polisiyang nakapaloob sa ILO-Convention 190 (ILO-C190) na mangangalaga sa mga manggagawa laban sa anumang uri ng pang-aabuso.
Ayon sa ILO, mahalagang hakbang tungo sa pangangalaga ng kapakanan ng mga manggagawa ang naging desisyon ng pamahalaan ng Pilipinas upang maiwasan at tuluyang maiwaksi sa lipunan ang ibat-ibang uri ng karahasan at pang-aabuso.
Ikinagalak din ng pamunuan ng ILO ang pagsumite ng Department of Labor and Employment ng Pilipinas sa mga kinakailangang dokumento sa pag-ratipika sa ILO-C190 sa mismong araw ng International Day of Social Justice na simbolo ng pagsusulong ng karapatan ng mga manggagawa.
“The Convention mandates member states to adopt, in consultation with representative employers’ and workers’ organizations, inclusive, gender-responsive strategies for preventing and
eradicating workplace violence and harassment. This approach includes prevention, protection, and enforcement measures, as well as remedies, guidance, training, and awareness-raising initiatives. Acknowledging the distinct roles of governments, employers, workers, and their organizations, the Convention emphasizes the importance of social dialogue and tripartism in implementing these measures at the national level,” ayon sa ipinadalang mensahe ng ILO at ILO-Philippines sa Radio Veritas.
Pangako naman ni DOLE Undersecretary Ernesto Bitonio na simula pa lamang ito ng mga inisyatibo ng kagawaran upang matiyak na hindi naabuso ang mga Pilipino sa mga lugar ng paggawa.
“The Philippines recognizes that as the First international instrument to institutionalize the “right to a world of work free from violence and Harassment,” ayon naman sa mensahe ni Bitonio na ipinadala ng ILO sa Radio Veritas.
Nakapaloob sa C-190 ang mga polisiyang maaring sundin ng ibat-ibang bansa katulad ng Pilipinas hinggil sa mga pamamaraan na magbibigay proteksyon sa sektor ng manggagawa laban sa ibat-ibang uri ng karahasan at pang-aabuso sa mga lugar ng paggawa.
Sa datos ng United Nations noong December 2022, isa sa kada limang manggagawa ang biktima ng karahasan sa buong mundo.
Inihayag naman ng Philippine Civil Service Commission na umaabot sa 22.8 porsyento ang bilang ng mga manggagawang nakakaranas ng karahasan at pang-aabuso sa kanilang mga lugar ng paggawa.
Unang umapela ang Kaniyang Kabanalang Francisco sa mga employers at lider sa mundo na tiyaking ligtas ang mga manggagawa mula sa anumang uri ng kapahamakan, aksidente o pang-aabuso sa mga lugar ng paggawa