223 total views
Ito ang ipinagmalaki ng Department of Trade and Industry. Bukod sa pagpapatatag ng ugnayan sa mga kapit-bayan, naniniwala ang D-T-I na malaki ang naitutulong sa ekonomiya ng Association of South East Asian Nations (ASEAN) 2017 na ginaganap sa bansa.
Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, nakikinabang din ang Pilipinas sa mga programa at kasunduan na ipinapatupad ng ASEAN partikular na ang pagbaba ng binabayarang buwis sa mga inaangkat at inilalabas na produkto ng bansa. “Para maimprove ang trading relationship, kasama ang pagbaba ng mga tariff wage ng mga produktong iniimport ay nagkaroon ng programa na tuloy-tuloy na pagbaba ng tariff rates para maengganyo ang intra-ASEAN or trading between ASEAN countries,” pahayag ni Lopez.
Sa ulat ng DTI, sa kasalukuyan ay 95-porsiyento ang mga produkto na ini-export at ini-import ng Pilipinas sa mga ASEAN countries ay tax-free o walang taripa. Binigyang-diin din ng kalihim na ang pagpasok ng mga Filipino products sa world market ang isa sa pinakamahalagang benepisyo na nukukuha ng Pilipinas bilang kasapi ng kinikilalang samahan sa buong Asya.
Sa tulong ng asosasyon, one third(1/3) ng pandaigdigang ekonomiya o kalahati ng kabuuang 620-milyong populasyon ng A-S-E-A-N ang naabot ng mga produktong gawa ng Pinoy.
Inihayag pa ng kalihim na sa kasalukuyan ay patuloy na pinapalakas ng departamento ang lokal na produksyon upang lumaki ang kapasidad ng bansa na mag-export ng mga produkto na sinasabing susi sa pagtamo ng isang magandang trade balance. Unang inihayag ng Kanyang Kabanalan Francisco na ang matibay na ugnayan sa pagitan ng iba’t-ibang bansa ang susi sa pagtamo ng isang maunlad at produktibong mundo.