155 total views
Nagpapasalamat ang Diocese of Marbel South Cotabato dahil sa pagkakaroon na ng kalayaan ng Pilipinas sa isyung pulitikal mula sa mga banyaga kaya’t patuloy na naipagdiriwang ang Independence Day sa bansa.
Sa June 12, 2016, ipagdiwang nga ika–118 anibersaryo ng kalayaan ng Pilipinas.
Ayon kay Bishop Dinualdo Gutierrez kamakailan lamang ay naipahayag ng bawat Pilipino ang kanilang kalayaan sa pagboto sa nakaraang national at local elections na nagpapakita na hindi na alipin pa ang bansa ng dayuhang pamahalaan.
Umaasa naman si Bishop Gutierrez na mas lalo pang mapapalawig ang usaping ekonomiya ng bansa sa pagkakaroon ng naaayon na kalakalan sa ibang mga karatig rehiyon.
“We are grateful to God for the grace of political independence from foreign powers. We have now the power to elect our national and local officials. But we still have a long way to go because we are not self – sufficient in other aspect like in the economic aspect, technological aspect, etc. So we still need other countries to help us and so the better would be ‘interdependence.’” Giit pa ni Bishop Gutierrez sa Radyo Veritas.
Naniniwala rin si Bishop Gutierrez na kinakailangan mapag – tuunan ng pansin ng susunod na bansa ang mga micro-entrepreneur o mga maliliit na negosyante sa mga rural areas upang mabawasan ang dami ng mga negosyante sa mga urban areas at mas lalo pang mapalawak ang pag – unlad.
“Regarding the economy, we really have to develop our own entrepreneurs especially the small businessmen, small scale – business. But we need the support of the government and also the big business so that we could decongest business activities in urban centers and transfer them to the rural centers. And in this way we have develop this rural communities economically,” bahagi ng pahayag ni Bishop Gutierrez sa panayam ng Veritas Patrol.
Sa kasalukuyan tinatayang nasa 1,000 micro – entrepreneur na ang natutulungan ng Caritas Manila sa programa nitong Caritas Margins na ibinibida ang mga lokal na produkto na gawa ng mga urban at rural communities sa bansa.
Nauna na ring binanggit ng kanyang Kabanalan Francisco na ang kahirapan ay sumasalamin sa isang bansang hindi malaya.