878 total views
Mapalad ang Bansa sa pagkakaroon ng malaking populasyon.
Ito ang inihayag ni Buhay Partylist Representative Lito Atienza sa ulat ng Population Commission na nasa 106.4-milyon na ang bilang ng mga Filipino.
“So we must welcome life as We should always welcome life,” ayon sa mambabatas.
Iginiit ng mambabatas na dapat itong positibong tingnan lalu’t ang kayamanan ng bansa ay ang populasyon.
“Kailangang tanggapin natin ito bilang Positive Development sa Bansa at mayroon tayong pag-asang umunlad. Mas maraming tao mas madaling paunlarin ang isang Bansa at isang Ekonomiya,” ayon kay Atienza.
Iginiit ni Atienza na blessings ang paglaki ng populasyon ng bansa na nangangailangan ng maayos na pamamahala at mabuting lider.
“All we need is Good Government in place and a Good leader in Government,” dagdag pa ni Atienza.
Ipinagdiwang ng Simbahang Katolika ngayong buwan ng Hulyo ang ika-50 taon ng ensiklikal ni Pope Paul VI na Humanae Vitae o ‘Of Human Life’ na tumatalakay sa kahalagahan ng buhay mula sa paglilihi hanggang sa natural na kamatayan.
Isinusulong din sa Ensiklikal ang ‘Responsible Parenthood’ o ang tamang pag-aagwat ng pamilya gamit ang natural na paraan ng Family planning.
Para naman sa buwan ng Agosto pangunahing panalangin ng Santo Papa Francisco ang pamilya bilang kayamanan ng sangkatauhan.
Umaasa din si Pope Francis na tuwinang dapat isaalang-alang ang pangangalaga at kaligtasan ng bawat pamilya sa anumang batas na ipaiiral ng mga gobyerno lalu na sa mga Polisiya at pagpapaunlad ng ekonomiya.
Naninindigan din ang Santo Papa na ang pamilya ay ang pundasyon ng ating pananampalataya.