289 total views
Conversion o pagbabalik-loob ang kinakailangan ng bawat isa upang maging isang ganap na misyunero ng mabuting balita at salita ng Diyos sa gitna ng iba’t-ibang suliraning panlipunan na kinahaharap ng bansa.
Ayon kay Cotabato Archbishop Orlando Cardinal Quevedo, lubos na kinakailangan ng lipunan sa ngayon ang mga misyunero na magtataguyod ng tama at makabubuti para sa mas nakararami.
Ipinaliwanag ni Cardinal Quevedo na kung kaya ng mga Filipinong manggagawa, Pari at mga Madre na maging misyunero sa ibayong dagat ay mas malaki ang pangangailangan ng ating bansa sa mga misyunerong maninindigan at magsusulong ng kabutihan sa iba’t-ibang larangan sa lipunan.
“Maraming missionaries doon sa abroad mga religious priests saka religious sisters and brothers at yung nga OFWs natin parang missionaries din sila abroad pero ang importante sa atin missionaries at home, at kung missionaries at home tayo we have to have a change of mind set, para ang trabaho natin is seen as mission. Ordinary work of a priest, of a father or mother or the children, their ordinary work doing the best of their ability is mission, they are already saying ‘i do this because Jesus is my Lord’ and if you do that it means that there is a need of conversion of the way we act in social life, in politics and in religious life.” pahayag ni Cardinal Quevedo sa panayam sa Radio Veritas.
Giit ni Cardinal Quevedo sa pamamagitan ng pagbabago sa paraan ng pamumuhay ay magkakaroon din ng pagbabago ng kaisipan at kamalayanan sa pagiging isang tunay at ganap na misyunero sa ating mga sariling pamamaraan.
“Wwe need to have a change of consciousness regarding being missionaries at home by changing the way we live.”
Dagdag pa ni Cardinal Quevedo.
Batay sa tala ng CBCP-Episcopal Commission on Mutual Relations (ECMR) noong 2015 may aabot sa 449 religious men
at 1,115 Filipinong madre ang ipinadala sa iba’t-ibang bansa para magsagawa ng missionary work.
Samantala, una na ring kinilala ng Kanyang Kabanalan Francisco ang pagiging misyunero ng pananampalatayang Katoliko ng mga Filipinong manggagawa o Overseas Filipino Workers sa ibayong dagat na sa kabila ng pagsasakripisyo at pagtitiyang magtrabaho ay patuloy pa ring nakapagsisilbi sa Simbahan at sa Panginoong Maykapal.