2,249 total views
Hinimok ng European Union ang mga mag-aaral na lumahok sa isasagawang Europen Higher Education Fair (EHEF) 2023.
Maaring lumahok sa education fair ang mga mag-aaral sa kolehiyo na nais kumuha at mag-apply ng master’s degree sa mga bansang kabilang sa European Union.
Sa isang press conference, ibinahagi ng pitong college graduates na nakapagtapos sa kanilang master program sa mga higher education universities sa Europa na magsisilbi ring EHEF Goodwill Ambassadors ang kanilang nakamit na oportunidad matapos mapabilang sa EHEF programs.
“Language corners will be available to those who are interested in learning a new language. On-site seminars will be hosted by the EU Member States’ Embassies and Cultural Institutes, these engaging sessions will provide in-depth information on higher education systems,” ayon sa pahayag ng European Union.
Makikiisa sa EHEF 2023 ang mga ambassador o kinatawan ng ibat-ibang bansa sa EU at 85 Higher Education Institutions mula sa EU sa isasagawa mula ika-30 ng Setyembre hanggang a-uno ng Oktubre 2023 sa Shangrila Plaza.
“A diverse array of opportunities, resources, and insights for Filipino students interested in pursuing their higher education in the European Union., Our theme ‘Pathways to Excellence’ acknowledges the need for higher education to adapt to the demands of globalization and internationalization, and the quality and variety of the EU’s offer,” mensahe ni EU Ambassador to the Philippines Luc Véron na ipinadala sa Radio Veritas.
Sa bahagi ng simbahan, bilang pagpapahalaga sa edukasyon na paraan upang makaahon sa kahirapan ang mga kabataan ay pinangangasiwaan ng CARITAS Manila ang Youth Servant Leadership and Education Progam na nagpapaaral sa limang libong mag aaral kada taon mula sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.