213 total views
Umaasa ang Ibon Foundation na magiging malinaw ang mga proyektong pang – ekonomiya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang unang State of the Nation Address o SONA sa pagbubukas ng 17th Congress.
Ayon kay Ibon Foundation executive editor Sonny Africa, magiging tiyak lamang ang mga nauna nang naipangako ni Pangulong Duterte na papalakasin nito ang industriyang Pilipino lalo na ang pagpapalago ng mga produktong lokal ng bansa.
“Sana makapaglatag siya ng kung paano mairere – establish yung gagawing Philippine industrial ang bansa. Kasi noong nangangampanya siya sinabi niya papalakasin niya yung papalaguin niya yung Pilipinong industriya sana maging malinaw na ano ba yung itsura ng Pilipinong industriya,” bahagi ng pahayag ni Africa sa panayam ng Veritas Patrol.
Sinisiguro rin ni Africa mabibigyang kalinawan ang mga nabanggit na ni Pangulong Duterte na pagtatanggal ng kontraktwalisasyon, pagtataas ng sahod ng mga manggagawa, libreng edukasyon at gamot na wala sa kanyang 10 point economic agenda.
“Nasabi niya rin yung kahilingan ng mga manggagawa sa pagwawaksi ng contractualization, pagtataas ng sahod, libreng edukasyon, libreng kalusugan dapat idetalye niya. Kasi nababahala kami wala yun sa kanyang 10 point economic agenda ng kanyang economic team,” giit pa ni Africa sa Radyo Veritas.
Nabatid na mataas ang kumpiyansa ng mga Pilipino kay Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsisimula ng kanyang termino batay sa inilabas na survey ng Social Weather Stations.
Sa kabuuan, 79% ang Net Trust rating ng Pangulong Duterte.
Dati na ring ipinaalala ni Pope Francis na ang konkretong pamamaraan ng pagpapadama ng kaunlarang pangkalahatan ay ang Tricledown Theory.