1,829 total views
Ang mga Filipinong Katoliko ay maituturing puspus ng biyaya kumpara sa ibang mga Kristiyano sa iba’t ibang panig ng mundo.
Ito ang mensahe ni Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas – Pangulo ng Aid to the Church – Philippines kaugnay sa papalapit na pasko.
Ayon sa Arsobispo, maituturing na puspus ng biyaya ang mga Filipinong Kristyano na malayang nakapagpapahayag ng paniniwala at pananampalataya kumpara sa mga Kristiyanong patuloy na dumaranas ng pag-uusig sa iba’t ibang panig ng mundo.
Nanawagan naman si Archbishop Villegas na isama sa pananalangin lalo na ngayong pasko ang kalagayan at kapakanan ng kapwa Kristiyano sa iba’t ibang panig ng mundo na humaharap sa patuloy na pag-uusig at pag-aabuso dahil sa kanilang paniniwala at pananampalataya sa Panginoon.
“We are blessed to be able to celebrate Christmas, but not all Christians who believe in Christ will be able to celebrate joyfully and peacefully. Remember them. Our hearts go out to them, because more than anyone, the Lord was born on Christmas night for them, and for you, and for everybody – to make us brothers and sisters.” Ang bahagi ng mensahe ni Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas.
Hiling ng Arsobispo sa kapanganakan ni Hesus ay sama-samang ipanalangin at hilingin ang pagkakaroon ng ganap na kapayapaan sa daigdig kung saan wala ng anumang hidwaan, labanan, karahasan, pag-uusig at pang-aabuso lalo’t higit sa mga kabataan at kababaihan.
Ipinaliwanag ni Archbishop Villegas na tanging ang Panginoong Hesus lamang na siyang Prinsipe ng kapayapaan ang maaring makapaghatid ng tunay at ganap na katiwasayan.
“So on Christmas midnight let us whisper to the Christ child not a prayer of thanksgiving but a prayer of silent supplication ‘Christ child, Prince of Peace no more war, no more conflict, no more terror, no more violence, no more abuse of children, no more abuse of women, no more beheading of Christians, no more burning of churches. Lord, of you will it, it can happen, will it Lord for our sake, for the glory of your name. Jesus, Prince of Peace we kneel before you and say to you Prince of Peace we adore you, give us peace that only you can give’.” Dagdag pa ni Archbishop Villegas.
Ang Pilipinas ay isa sa 23 bansa sa daigdig na naatasan na humawak at mangasiwa sa misyon ng sangay ng pontifical foundation ng Vatican na Aid to the Church in Need.
Naitatag ang Aid to the Church in Need noong 1947 na kinilala bilang isang papal foundation noong 2011 na nagbibigay ng pastoral at humanitarian na tulong sa mga inuusig na Simbahan at Kristiyano sa mahigit 140 mga bansa sa buong daigdig na tinutulungan ng organisasyon sa pamamagitan ng nasa 6,000 proyekto kada taon.