331 total views
Nakikiisa ang Apostolic Vicariate ng Bontoc-Lagawe sa mga Obispo at paring pinaratangan ng pakikipagsabwatan sa planong pagpapatalsik sa administrasyong Duterte.
Kabilang si Bishop Valentin Dimoc sa nakiisa sa ginanap na misa para sa Katotohanan, Katarungan, at Kapayapaan; at candlelight procession sa St. John the Evangelist Cathedral sa Dagupan, city.
“We express our solidarity with Abp. Soc and with other accused Bishops and Priests. Reflecting on their situation, the words of Jesus Christ is our only consolation,” ayon sa ipinadalang mensahe ni Bishop Dimoc sa Radio Veritas.
Iginiit ni Bishop Dimoc na pinagpapala ang mga iniuusig at maling pinaparatangan dahil ang mga ito ay tatanggap ng gantimpala sa kalangitan.
“Blessed are you when people insult you, persecute you and falsely say all kinds of evil against you because of me. Rejoice and be glad, because great is your reward in heaven, for in the same way they persecuted the prophets who were before you,”paglilinaw ng Obispo.
Ang hakbang ay bilang pagpapahayag ng suporta at paninindigan para sa mga lingkod ng simbahan na isinasangkot sa kasong sedisyon ng PNP-Criminal and Investigation Detection Group partikular kay Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas.
Naunang nanawagan si Bishop Dimoc sa mga Archdioese, Diocese, Parishes at Congregations na magsagawa ng prayer assemblies bilang suporta sa inuusig na pari at Obispo.
Read: Time to respond!
Ang panawagan ni Bishop Dimoc ay tinugon ng Diocese of Cubao, Diocese of Balanga at Archdiocese of Lingayen-Dagupan.
Read: 3-buwang pagpapatunog ng kampana, sinimulan ng Archdiocese of Lingayen-Dagupan
Prayer vigil para sa mga inuusig na Obispo at Pari, isasagawa ng Diocese of Balanga at Cubao
Bukod kay Archbishop Villegas, kabilang din sa 35 iniuugnay sa kaso sina Cubao Bishop Honesto Ongtioco, Novaliches Bishop- emeritus Teodoro Bacani Jr.; CBCP-vice president kalookan bishop Pablo Virgilio David at tatlo pang mga pari.
Una na ring nagpahayag ng suporta ang pamunuan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), Sangguniang Layko ng Pilipinas at ang Couples for Christ-Foundation for Family and Life sa mga obispo at paring isinangkot sa kasong sedisyon.
Read: CBCP, ipinagtanggol ang mga Obispo at Paring isinasangkot sa sedition case
130 Lay Organizations, naninindigan para sa mga inuusig na lider ng Simbahan