689 total views
Isinusulong ngayon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukala na kilalanin ng pamahalaan ang pinawalang bisang kasal sa simbahan o annulment.
Ayon sa HB 1593 o Church Nullity Act of 2022 na ang kasal sa pari, imam o pinuno ng relihiyon sa Pilipinas na pinawalang-bisa rin sa hatol ng tuntunin ng simbahan o relihiyon ay ituring ng parehong pagkilala ng gobyerno.
“If a marriage can be legitimately contracted under the laws of the Church, then it follows that under the same laws, such marriage can also be nullified or annulled,” they added, noting Pope Francis’ issuance of “Mitis Iudex Dominus lesus” which streamlined the process of the declaration of nullity of marriage,” ayon pa sa panukala.
Ang panukala ay inakda nina Tingog Partylists Representatives Yedda Marie Romualdez at Jude Acidre na layuning padaliin ang proseso at hindi rin maging karagdagang gastusin.
Naniniwala din ang mga mambabatas na ang panukala ay kaugnay na rin sa isinusulong ni Pope Francis na gawing payak ang mga paraan sa pagpapawalang bisa ng kasal sa simbahan.
Disyembre taong 2018 nang ipatupad ng Santo Papa Francisco ang simpleng paraan ng pagpapawalang saysay ng kasal sa simbahan.
Sa Pilipinas, umaabot sa halagang P500 libo ang pagsasawalang-bisa ng kasal na hiwalay pa sa proseso sa simbahan