430 total views
Nagpaabot ng pagbati sa lahat ng mga Muslim ang social action arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines para sa pagtatapos ng Ramadan.
Ayon kay Diocese of Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo – National Director ng NASSA/Caritas Philippines, nakikiisa ang buong Simbahang Katolika sa pagbibigay halaga sa naging layunin ng katatapos lamang na Banal na Buwan ng Ramadan na panahon ng pagsisisi, pagsasakripisyo, pagninilay at pananalangin ng mga Muslim.
Umaasa rin ng Obispo na ganap makapagdulot ng panibagong pag-asa at pananaw sa buhay ang naging paggunita ng mga Muslim ng Ramadan ngayong taon sa gitna ng pandemya bukod pa sa pagdudulot ng tunay na pagkakapatiran ang kapistahan ng Eid’l Fitr.
“Batiin natin mga kapatid natin Muslim, end na [ang] Ramadan. Big celebrations in the Muslim world! Edil Ftir. Hariraya puasa!! Pagbati ng pagmamahal at kapayapaan sa lahat ng kapatid natin Muslim. Sana naging makahulagan ang kanilang observance of Ramadan. As they celebrate the end of it, we join them in thanking ALLAH, our Almighty God! May this bring new hope and new Life! He who walks with God walks in peace!” mensahe ni Bishop Bagaforo sa Radio Veritas.
Nagsimula ang Banal na Buwan ng Ramadan o ang isang buwang pag-aayuno ng mga Muslim noong ika-13 ng Abril na nagtapos ngayong ika-13 ng Mayo, 2021.
Naunang nagpahayag ang Kanyang Kabanalan Francisco na nawa ay magbunga ng pangkabuuang pagkakapatiran ang paggunita ng Banal na Buwan ng Ramadan o Islamic Holy Month ng mga Muslim. Batay sa tala, umaabot sa 10-milyon ang bilang ng mga Muslim sa Pilipinas kung saan ang mayorya ay mga Katoliko.