Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pinuno ng CBCP-ECSC, itinalagang Obispo ng Diocese of San Pablo

SHARE THE TRUTH

 726 total views

Itinalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco si Boac Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr. bilang bagong pinunong pastol ng Diocese of San Pablo.

Ang 55-taong gulang na si Bishop Maralit ang hahalili sa naiwang posisyon ng nagbitiw na si Bishop-emeritus Buenaventura Famadico dahil sa kondisyong pangkalusugan.

Sa isinapublikong pahayag ng Diyosesis ng San Pablo na inilatha sa official website ng diyosesis ay nagpahayag ng buong pusong pangsasalamat at pagtanggap ang buong sambayanan ng diyosesis kaisa ng mga kaparian, mga relihiyoso at relihiyosa, at ang mga layko sa pagkakahirang kay Bishop Maralit bilang ikalimang Obispo ng San Pablo.

Ang pagkakatala rin kay Bishop Maralit ay itinuturing na isang regalo ng Diyosesis ng San Pablo lalo na para sa papalapit na Jubilee Year 2025 o Taon ng Jubileo sa susunod na taon na may temang “Pilgrims of Hope”.

Naniniwala rin ang Diyosesis ng San Pablo na mahalaga ang biyaya ng pagkakaroon ng bagong Obispo upang magsilbing gabay sa ganap na pagsusulong sa pagsasakatuparan ng panawagan ng Santo Papa Francisco na pagkakaroon ng Simbahang Sinodal lalo na’t naaakma rin ang episcopal motto ni Bishop Maralit na Fiat mihi secundum Verbum tuum (Let it be done to me according to your word) para sa pagtutulungan at ganap na pagkakaisa ng buong diyosesis para sa iisang hangarin at misyon bilang isang Simbahan.

“The appointment of Bishop Junie comes as a gift to the Diocese of San Pablo as we approach the Jubilee Year 2025. As the theme of the Holy Year suggests, we are all Pilgrims of Hope, and now God sends us a pastor who will lead us towards the path of synodality. Fiat mihi secundum Verbum tuum (Let it be done to me according to your word)—Bishop Junie’s episcopal motto—will bring us to a collaborative action as one diocese.” Bahagi ng pahayag ng Diyosesis ng San Pablo.

Ang Diyosesis ng San Pablo ay ‘sede vacante’ sa loob ng isang taon na pansantalang pinangasiwaan bilang apostolic administrator ni Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara.

Inanunsyo ng Vatican ang pagtatalaga kay Bishop Maralit bilang bagong Obispo ng San Pablo noong ika-21 ng Setyembre, 2024 ganap na alas-dose ng tanghali oras sa Roma isang taon makalipas na tanggapin ng Santo Papa ang pagbibitiw ni Bishop Famadico.

Ipinanganak sa Maynila noong May 18, 1969 si Bishop Maralit ay nag-aral at naordinahang pari sa Arkidiyosesis ng Lipa noong March 13, 1995.

Itinalaga si Bishop Maralit bilang ika-apat na Obispo ng Diyosesis ng Boac noong December 31, 2014 kung saan naganap ang episcopal ordination ng Obispo noong March 13, 2015 na sinundan ng pagluluklok sa kanya sa katungkulan apat na araw ang nakalipas noong March 17, 2015.

Sa kasalukuyan ay nagsisilbi rin si Bishop Maralit bilang chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Social Communications

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Tunnel of friendship

 59,656 total views

 59,656 total views Mga Kapanalig, natapos noong Biyernes ang labindalawang araw na pagbisita ni Pope Francis sa apat nating karatig-bansa: Indonesia, Papua New Guinea, Timor-Leste, at Singapore. Naging makasaysayan ang pagbisita ng Santo Papa sa Indonesia. Ito kasi ang may pinakamalaking populasyon ng mga Muslim sa buong mundo, habang tatlong porsyento lamang ng populasyon nito ang

Read More »

Teenage pregnancy

 110,219 total views

 110,219 total views Ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ay isa sa mga seryosong isyung kinakaharap ng Pilipinas ngayon. Taon-taon, dumarami ang mga kabataang babae, edad 10 hanggang 19, na maagang nagiging ina. Ang kalagayang ito ay may malalim na implikasyon sa kanilang personal na buhay, pati na rin sa kalagayan ng bansa sa kabuuan. Nakaka-alarma,

Read More »

THE DIVINE IN US

 55,242 total views

 55,242 total views Gospel Reading for September 12, 2024 – Luke 6: 27-38 THE DIVINE IN US Jesus said to his disciples: “To you who hear I say, love your enemies, do good to those who hate you, bless those who curse you, pray for those who mistreat you. To the person who strikes you on

Read More »

Magnanakaw ng dignidad ang traffic

 115,398 total views

 115,398 total views Kapanalig, isa sa mga hamon sa mental health ng maraming Pilipino ngayon ay ang kahirapan sa pagko-commute tungo sa trabaho at paaralan. Marami na nga sa ating mga kababayan ang nagsasabi na ang pagco-commute dito sa ating bayan ay dehumanizing na. Sa dami ng Pilipinong apektado sa pang-araw-araw na traffic sa ating bayan,

Read More »

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 95,593 total views

 95,593 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Bishop Maralit, buong-pusong tinanggap ang plano ng Panginoon

 631 total views

 631 total views Tiwala si out-going Boac Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr. sa plano ng Panginoon at pagtanggap sa bagong tungkulin na ini-atang sa kanya ng Santo Papa Francisco bilang bagong obispo ng Diyosesis ng San Pablo,Laguna. Ibinahagi ni Bishop Maralit na bagamat may takot, pangamba, at bahagyang lungkot sapagkat kontento, payapa at masaya siya sa

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Nararapat ipaalala at ituro ang naganap na karahasan sa panahon ng martial law

 2,008 total views

 2,008 total views Binigyang diin ng Philippine Alliance of Human Rights Advocates (PAHRA) na mahalagang patuloy na ipaalala at ituro sa mga kabataan ang tunay na mga naganap sa bansa noong panahon ng Batas Militar sa gitna ng iba’t ibang tangka na baguhin ang nasabing bahagi ng kasaysayan. Ito ang ibinahagi ni PAHRA Chairperson Dr. Nymia

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Authoritarian regime umiiral pa rin sa Pilipinas

 2,472 total views

 2,472 total views Nagpahayag ng pagkabahala ang social action arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa patuloy na mga paglabag sa karatapang pantao, at kawalang katarungan sa bansa makaraan ang 52-taon. Ito ang pagninilay ni Caritas Philippines President Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo sa paggunita ng ika-52 anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

San Carlos Diocesan Social Action Foundation, kinilala ng DSWD

 2,804 total views

 2,804 total views Muling kinilala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kahandaan at kakayahan ng San Carlos Diocesan Social Action Foundation, Inc. (SCDSAFI) na tumugon sa pangangailangan ng nasasakupan sa pamamagitan ng iba’t ibang mga programa sa lugar. Sa isinagawang DSWD monitoring visit ng DSWD Field Office VI Standards Section Staff sa tanggapan

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Pagtatalaga sa ika-31 national shrine sa Pilipinas, pinangunahan ni Cardinal Advincula

 3,828 total views

 3,828 total views Umaasa ang Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula na isabuhay ng mga mananampalataya ang mga katangiang ipinamalas ng Mahal na Inang Maria bilang daluyan ng habag, awa, pagmamahal at biyaya ng Panginoon para sa bawat isa. Ito ang bahagi ng pagninilay ng arsobispo sa ginanap na Solemn declaration ng pagtatalaga sa Pambansang

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Lumaban sa martial law, binigyang pugay ng TFDP

 7,838 total views

 7,838 total views Hinihimok ng Task Force Detainees of the Philippines ang mga Pilipino na patuloy na alalahanin ang mga matapang na lumaban para sa demokrasya at kalayaan ng bansa mula sa kadilimang dulot ng Batas Militar. Ito paalala ni TFDP chairperson Rev. Fr. Christian Buenafe, O.Carm., sa paggunita ng ika-52 anibersaryo ng deklarasyon ng Martial

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Union of Bicol Clergy, itinakda

 7,461 total views

 7,461 total views Nakatakdang magtipon ang mga pari mula sa walong ecclesiastical jurisdictions ng Bicol region na nasa ilalim ng manto ng Mahal na Ina ng Peñafrancia na siyang patron ng rehiyon ng Bicolandia. Magtitipon ang Union of Bicol Clergy sa ika-17 hanggang ika-19 ng Setyembre, 2024 na may tema ngayong taon na “Forging Bikol Priestly

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Sambayanang Pilipino, inaanyayahan sa international “good governance” webinar

 7,537 total views

 7,537 total views Inaanyayahan ng Catholic Teachers’ Guild of the Philippines (CTGP) ang mga layko na makibahagi sa nakatakdang international webinar na tatalakay sa kahalagahan ng pagkakaroon ng kaalaman sa mabuting pamamahala o good governance. Ayon kay CTGP National President Prof. Belén L. Tangco, OP, PhD, tampok sa international webinar ang anim na guest speakers’ mula

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Archdiocese of Jaro, nagpapasalamat sa NHCP

 7,947 total views

 7,947 total views Pinangunahan ni Jaro Archbishop Jose Romeo Lazo ang paglagda at pagtanggap ng certificates of transfer and acceptance sa dalawang restoration projects ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) sa convent at ceiling paintings ng Sta. Ana Parish Church sa Molo, Iloilo City. Naganap ang turn-over ceremony noong ika-8 ng Setyembre, 2024 kasabay

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Walang VIP sa batas

 10,649 total views

 10,649 total views Nanawagan ang social action arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa mamamayan na bantayan ang pag-usad ng kaso ni Kingdom of Jesus Christ founder Pastor Apollo Quiboloy. Ito ang panawagan ni Caritas Philippines President, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo makaraang sumuko si Quiboloy sa mga awtoridad kasama ang iba pang

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Technical education sa drug rehabilitated dependents, pinaboran ng CHR

 11,029 total views

 11,029 total views Nagpahayag ng suporta ang Commission on Human Rights (CHR) sa panukalang batas na naglalayong mabigyan ng pagsasanay at edukasyong teknikal ang mga rehabilitated drug dependents bilang bahagi ng pagbibigay ng pangalawang pagkakataon upang makapagbagong buhay. Ayon kay CHR Chairperson Richard Palpal-latoc, malaki ang maitutulong ng batas ni Senator Raffy Tulfo na Senate Bill

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Mamamayan, inaanyayahang makiisa “One minute for Peace”

 10,508 total views

 10,508 total views Inaanyayahan ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang mananampalataya na makibahagi sa One Minute for Peace na paglalaan ng isang minutong pananalangin para sa kapayapaan ng daigdig sa ika-8 ng Setyembre, 2024 hanggang sa ika-8 ng Hunyo ng susunod na taong 2025. Kaisa ng implementing arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Paghubog sa katapatan ng mga botante, prayoridad ng PPCRV

 12,352 total views

 12,352 total views Naniniwala ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na bukod sa pagtiyak ng katapatan ng sistema ng halalan sa bansa ay mahalaga ring tutukan ang paghuhubog sa katapatan ng mismong mga botante. Ito ang binigyang diin ni PPCRV Executive Director Jude Liao kaugnay sa patuloy na suliranin ng vote buying at vote

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

TIBOK PINOY, ilulunsad ng PPCRV

 12,791 total views

 12,791 total views Tiniyak ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ang pagsasakatuparan sa mandato bilang pangunahing tagapagbantay ng Simbahang Katolika sa pagkakaroon ng isang maayos at tapat na eleksyon sa Pilipinas. Ito ang ibinahagi ni PPCRV Media and Communications Director Ana De Villa Singson sa puspusang paghahanda ng PPCRV sa nalalapit na 2025 Midterm

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Pag-amyenda sa Migrant Workers and Overseas Filipino Act, suportado ng CHR

 12,230 total views

 12,230 total views Supotado ng Commission on Human Rights ang panukalang pagpapalawig sa Emergency Repatriation Fund (ERF) sa pamamagitan ng pag-amyenda sa Republic Act (RA) No. 8042 o mas kilala bilang Migrant Workers and Overseas Filipinos Act. Nakapaloob sa House Bill 09388 na inihain ni OFW Partylist Rep. Marissa “Del Mar” Magsino ang pagbibigay ng awtoridad

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top