23,577 total views
Kinundena ng labor groups ang pagsusulong People’s Initiative for Modernization and Reform Action (PIRMA) ng signature campaign sa mamamayan upang baguhin ang 1987 constitution.
Paninindigan ni Rochelle Porras – Executive Director ng Ecumenical Insititute for Labor Education and Research (EILER) na maraming suliranin ang mas kinakailangang bigyang pansin sa halip na cha-cha.
Tinukoy ng EILER ang mababang pasahod ng mga manggagawa sa National Capital Region na mahigit 14-libo lamang mas mababa sa monthly living wage na umaabot sa Php25,839.
“Congress is empowered by law to legislate pro-people policies without the need to amend the Constitution. We express our strong support to the solons who have authored bills for the implementation of living wages, as well as to the labor groups who have long been petitioning for wage hikes. We call on the Marcos, Jr. Administration to regulate oil prices, suspend excise taxes and to tax the super-rich,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Porras sa Radio Veritas.
Ayon naman kay Atty Sonny Matula ng NAGKAISA Labor Coalition, mas mahalaga ang mga ‘prioritize implementation’ kung saan kagyat na itataas sa 150-pesos ang daily minimum wage ng mga manggagawa upang matugunan ang pangunahing pangangailangan.
“Nagkaisa emphasizes that the major flaw of the 1987 Constitution is not its provisions, but the failure to enforce its critical provisions, including the ban on political dynasties, the establishment of a living wage, strengthebing job security, protection of workers who organize unions, environmental protections, and other human rights and social justice clauses. “The problem lies not in the Constitution’s wording, but in its elite-driven enforcement,” ayon sa ipinadalang mensahe ni Matula sa Radio Veritas.
Patuloy din ang pagtutol ng simbahang katolika sa pangunguna nila Tagbilaran Bishop Alberto Uy, Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo, Legazpi Bishop Joel Baylon at Dipolog Bishop Severo Caermare laban isinusulong na signature campaign para amyendahan ang 1987 constitution.