271 total views
Humina ang halaga ng piso kontra dolyar sa balak na paghihigpit sa international trade at outsourcing ni US President Elect Donald Trump.
Sinabi ni Asian Institute on Management (AIM) Assistant Finance adviser Prof. Gary Olivar na malaki ang epekto ng istriktong plataporma ni Trump sa pagbagsak ng halaga ng piso.
Pinangangambahan na marami ang mawawalan ng trabaho sa Pilipinas lalo na sa mga business processing outsourcing o sa industriya ng call center.
“Isang possible na epekto ng pagkahalal kay Trump kaya humina ang piso dahil inaasahan ng mga tao na itong si Trump ay maghihigpit siya sa foreign trade at sa outsourcing. Baka maapektuhan tayo dahil siyempre ang pinaka – malaki nating kliyente para sa ating mga call center ay ang Amerika. That maybe the one reason kaya humihina ang piso,” pahayag ni Prof. Olivar sa panayam ng Veritas Patrol.
Gayunman, inihayag ni Olivar na walang dapat ikatakot ang mga call center employees dahil malabong i-pullout ng Amerika ang mga BPO sa bansa bunsod ng mas nakatitipid ang mga negosyante sa maliit na pasahod sa mga manggagawa.
“Having said that mas mura pa at mas productive ang ating mga call center agent ang iba pa nating BPO workers compare to sa mga workers sa Amerika, mas malaki pa ang advantage nang Amerika na gumamit ng Pilipino. Whatever Trump said sooner or later kailangan kang bumagay sa reality. It is more expensible sa mga call center sa Amerika kaya magagalit sa kanya ang kapwa niya businessmen,” giit ni Olivar sa Radyo Veritas.
Nabatid na umakyat sa halagang P49.20 ang halaga ng piso kontra dolyar, ang pinakamahinang performance ng piso laban sa dolyar sa nakalipas na halos walong taon.
Tinataya ni Contact Center Association of the Philippines President Benedict Hernandez na aabot sa 25-bilyong dolyar ang revenue ng BPO industry sa Pilipinas ngayong taong 2016 mas mataas ng 13-percent sa 22-bilyong dolyar na revenue noong 2015.
Sa katuruang panlipunan ng Simbahang Katolika mula sa encyclical na Laborem Exercens ni St. Pope John Paull II, kailangang makilala ang dignidad ng mga tao sa paggawa at hindi lamang sila maturing na mga bagay.