444 total views
Nananawagan ng suporta ang Philippine Jesuit Prison Service (PJPS) sa muling inilunsad na Simple Offering of Affection for Persons Deprived of Liberty o S.O.A.P Project bilang bahagi ng paggunita sa 35th Prison Awareness Week ngayong taon.
“As PJPS celebrates its 28th year, we continue to witness God’s providence through your generosity. We are once again having the S.O.A.P. (Simple Offering of Affection for PDLs) Project during Prison Awareness Week, which will be held during the last week of October.”panawagan ng Philippine Jesuit Prison Service (PJPS).
Nasaaad sa official Facebook page at website ng Philippine Jesuit Prison Service (PJPS) na pinamumunuan ni executive director ni Rev. Fr. Firmo “Jun-G” Bargayo, SJ ang mga paraan upang makapagpaabot ng tulong kung saan sa halagang 100-piso ay maaring makatulong sa pagkakaroon ng hygiene kit ng mga Persons Deprived of Liberty.
Layunin ng proyekto na makapagkaloob ng mga hygiene kits partikular ng mga sabong pampaligo, panlaba at ointment para sa may 33,000 bilanggo sa New Bilibid Prison (NBP) at Correctional Institute for Women (CIW) sa Mandaluyong City.
“Help us reach our goal by donating and promoting this campaign. We hope to provide all 33,000 PDLs in NBP and CIW with soap and Katinko ointment during the 35th Prison Awareness Week.” Apela ng PJPS.
Ayon sa organisasyon, higit na mahalaga na matiyak ang kalinisan ng mga bilanggo na higit na lantad sa iba’t ibang sakit dahil sa pagsisiksikan sa mga bilangguan lalo na sa gitna ng patuloy na banta ng pandemya.
Ang Philippine Jesuit Prison Service (PJPS) ay ang socio-pastoral apostolate ng Society of Jesus (Philippine Province) na nagkakaloob ng iba’t ibang mga serbisyo at programa tulad ng holistic rehabilitation sa mga bilanggo o Persons Deprived of Liberty.
Nakatakda ang 35th Prison Awareness Week mula ika-24 hanggang ika-30 ng Oktubre, 2022 na may tema ngayong taon na “Towards Listening, Healing and Loving Correctional Community” na naglalayong higit na mapaigting ng Simbahan ang pakikinig sa mga hinaing ng mga bilanggo o PDLs.