Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

PMA, nagpapasalamat sa pagbibigay pugay ng Pangulong Duterte sa medical frontliners

SHARE THE TRUTH

 456 total views

Nagpasalamat ang grupo ng mga healthcare worker sa bansa sa pagkilala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga doktor at nurse na itinuturing na mga medical frontliner, bilang mga “Bagong Bayani” ng kasalukuyang panahon na patuloy na naglilingkod sa kabila ng Coronavirus Pandemic.

Ayon kay Dr. Benito “Benny” Atienza, pangulo ng Philippine Medical Association, ikinagagalak ng buong pamunuan ang pagbati at pagkilala ni Pangulong Duterte sa mga frontliner na buong puso at tapang na isinakripisyo at iniaalay ang kanilang mga buhay upang mailigtas ang mga pasyenteng nahawaan ng virus.

“Nagpapasalamat po ang buong pamunuan ng Philippine Medical Association na may miyembrong 85-libong mga Doktor, sa ating Pangulong Rodrigo Roa Duerte sa kanyang pagkilala sa mga frontliners bilang mga “Bagong Bayani ” ngayong panahon ng COVID-19 Pandemic.

Sinabi ni Dr. Atienza na mas pagbubutihan pa ng grupo ang pagtulong sa pamahalaan lalo na sa Department of Health upang mabigyan na ng lunas ang nakahahawang sakit na COVID-19.

“Inaasahan po [na ang] pamunuan ng Philippine Medical Association ay tutulong po sa ating pamahalaan, lalung-lalo na sa DOH sa pagpapalaganap ng pagpapabakuna lalo na po ang kaalaman ng pagbabakuna ng COVID-19,” ayon kay Dr. Atienza sa panayam ng Radyo Veritas.

Ang pagkilala ni Pangulong Duterte sa mga medical frontliner ay kasabay ng paggunita sa ika-124 na anibersaryo ng pagkamatay ni Dr. Jose Rizal noong ika-30 ng Disyembre. Batay sa huling tala, umabot na sa mahigit 13-libo ang mga healthcare workers sa bansa ang nahawaan ng virus, habang nasa 12-libong katao ang naitalang gumaling at 76 na katao naman ang mga nasawi.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 30,570 total views

 30,570 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Mental Health Awareness Month

 61,709 total views

 61,709 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »

Pananagutan sa kalikasan

 67,294 total views

 67,294 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »

Salamat, mga VIPS

 72,810 total views

 72,810 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »

BAYANIHAN

 83,931 total views

 83,931 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Sambayanang Pilipino, hinamon ng Obispo na manindigan para sa kalikasan

 11 total views

 11 total views Hinikayat ni Borongan Bishop Crispin Varquez ang lahat na balikan at pagnilayan ang alaala ng pananalasa ng Super Typhoon Yolanda sa bansa, partikular na sa Eastern Visayas. Ayon kay Bishop Varquez, labing-isang taon na ang lumipas mula nang manalasa ang kauna-unahang super typhoon sa bansa, ngunit sariwa pa rin ang iniwang pinsala nito,

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

“Extraordinary jubilee mass” kay St.Miguel Febres Cordero, pangungunahan ng Papal Nuncio

 799 total views

 799 total views Inaanyayahan ng De La Salle Medical and Health Sciences Institute (DLSMHSI) ang mga mananampalataya na makibahagi sa Extraordinary Jubilee Holy Mass na pangungunahan ni Papal Nuncio to the Philippines, Archbishop Charles Brown. Ito’y bilang parangal sa ika-170 kaarawan at ika-40 anibersaryo ng kanonisasyon ni Saint Miguel Febres Cordero, ang kauna-unahang santo mula sa

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Tuluyang pagbabawal sa paggawa at pagbibenta ng paputok, hiniling ng BAN Toxics

 1,328 total views

 1,328 total views Umaapela ang toxic watchdog na BAN Toxics sa pamahalaan kaugnay ng maagang pagbebenta ng mga ipinagbabawal na paputok sa mga pamilihan. Ayon kay Thony Dizon, campaign and advocacy officer ng grupo, hinihikayat nila ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na suportahan at ipag-utos sa mga lokal na pamahalaan sa bansa

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Ipatigil ang lahat ng mining project, hamon ng ATM sa pamahalaan

 1,717 total views

 1,717 total views Nananawagan sa pamahalaan ang Alyansa Tigil Mina na ihinto na ang mga mining project sa Pilipinas dahil pinapalala lamang nito ang pinsalang dala ng mga sakunang dumadaan sa bansa. Ayon kay ATM national coordinator Jaybee Garganera, patuloy na lumalakas at dumadalas ang epekto ng mga bagyo sa bansa dahil sa climate change. Iginiit

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Throw-away culture sa mga sementeryo, pinuna ng EcoWaste Coalition

 2,130 total views

 2,130 total views Pinuna ng EcoWaste Coalition ang mga iniwang basura ng mga bumisita sa mga sementeryo nitong nagdaang Undas. Sa pagbisita ng Basura Patrollers ng grupo sa 29 pampubliko at pribadong sementeryo sa iba’t ibang lugar, kabilang ang Metro Manila, Cavite, Laguna, Rizal, Bataan, Bulacan, at Pampanga, bumungad ang mga umaapaw at magkakahalong basura. Ayon

Read More »
Economics
Michael Añonuevo

P1.8M karagdagang cash assistance, ipapadala ng Caritas Manila sa 6-Bicol dioceses

 3,320 total views

 3,320 total views Magpapadala ng karagdagang P1.8 milyon cash assistance ang Caritas Manila para sa Bicol dioceses na labis na nasalanta ng Bagyong Kristine. Makakatanggap ng tig-P300,000 karagdagang tulong ang anim na diyosesis sa Bicol Region kabilang ang Archdiocese of Caceres at Diocese of Libmanan sa Camarines Sur; Diocese of Virac, Catanduanes; Diocese of Daet, Camarines

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Suriin ang pamumuhay sa paggunita ng UNDAS

 2,676 total views

 2,676 total views Pagnilayan ang nakagawiang pamumuhay at gawing kaaya-aya sa Diyos at kapwa. Ito ang mensahe ni San Fernando, La Union Bishop Daniel Presto sa bawat mananampalataya bilang paggunita sa Araw ng mga Banal at Araw ng mga Yumaong Mahal sa Buhay. Ayon kay Bishop Presto, ang paggunita sa mga araw na ito’y nagsisilbing paalala

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Miss Earth beauty queens, nanawagan ng zero waste sa mga sementeryo

 3,009 total views

 3,009 total views Nagsama-sama ang pro-environment advocates at Miss Earth beauty queens mula sa sampung bansa upang hikayatin ang publiko na iwasan at bawasan ang basura sa mga pampubliko at pribadong sementeryo ngayong Undas. Bilang bahagi ng kampanyang Zero Waste Undas 2024 na may temang “Kalinisan sa Huling Hantungan, Igalang ang Kalikasan,” nagsagawa ng pagtitipon ang

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Isabuhay ang tunay na diwa ng Undas, apela ng Arsobispo sa mananampalataya

 3,009 total views

 3,009 total views Hinikayat ni Capiz Archbishop Victor Bendico ang mga mananampalataya na ituring na sagrado ang pag-alaala at paggalang sa mga banal at yumaong mahal sa buhay ngayong Undas. Ayon sa arsobispo, hindi na ganap na naisasabuhay ang tunay na kahulugan ng Undas, at ang “Halloween” ay napalitan ng nakakatakot na kahulugan. Sinabi ni Archbishop

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

UNDAS, isang pag-alala at pagpaparangal

 3,064 total views

 3,064 total views Ipinaalala ni San Pablo Bishop-designate Marcelino Antonio Maralit, Jr. ang kahalagahan ng pagpaparangal at pag-alala sa mga yumaong mahal sa buhay, gayundin sa mga santong namuhay nang may kabanalan. Ito ang mensahe ni Bishop Maralit kaugnay sa paggunita sa Undas ngayong taon—ang All Saints’ Day o Araw ng mga Banal sa November 1

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Exorcist Priests, tampok sa UNDAS special programing ng Radio Veritas

 3,374 total views

 3,374 total views Muling inaanyayahan ng Radyo Veritas 846 ang mga kapanalig na pakinggan at subaybayan ang mga programa ng himpilan para sa paggunita ng Undas ngayong taon. Ito ang Dalangin at Alaala 2024: Kapanalig ng Yumaong Banal, na naglalayong gunitain ang mga banal ng Simbahang Katolika at mag-alay ng panalangin para sa kaluluwa ng mga

Read More »
Latest News
Michael Añonuevo

DILG, nakiisa sa mapayapa at maayos na UNDAS 2024

 4,152 total views

 4,152 total views Nakikiisa ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mapayapa at maayos na paggunita ng Undas ngayong taon. Kasabay ng pag-alala at pag-aalay ng panalangin para sa kapayapaan ng mga yumaong mahal sa buhay, hinihikayat ni DILG Secretary Jonvic Remulla ang publiko na maging maingat laban sa mga mapagsamantalang maaaring samantalahin

Read More »
Disaster News
Michael Añonuevo

Patuloy na panalangin, tulong sa mga nasalanta sa Batangas panawagan ni Archbishop Garcera

 4,953 total views

 4,953 total views Nananawagan ng tulong at panalangin si Lipa Archbishop Gilbert Garcera para sa mga biktima ng pananalasa ng Bagyong Kristine sa lalawigan ng Batangas. Ayon kay Archbishop Garcera, mahalaga ang pagtutulungan ng bawat isa upang muling makapagbigay ng pag-asa sa mga lubhang nasalanta ng nagdaang sakuna. “Ako po’y patuloy na nagdarasal para sa ating

Read More »
Disaster News
Michael Añonuevo

Malawakang pagbaha sa Bicol region: Dulot ng pagkasira ng kalikasan, pagbabaw ng ilog at lawa

 5,043 total views

 5,043 total views Ipinaliwanag ng isang pari at tanyag na Bicolano author ang nangyaring malawakang pagbaha sa Bicol Region sa kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Kristine. Ayon kay Fr. Wilmer Tria, kura paroko ng St. Raphael the Archangel Parish sa Pili, Camarines Sur, ang pagbaha sa Bicol ay dahil sa kombinasyon ng heograpiya, klima, at mga

Read More »
Disaster News
Michael Añonuevo

Mabilis na pagtugon ng social action ministries sa mga nasalanta ng bagyo, pinuri ng Caritas Philippines

 5,709 total views

 5,709 total views Kinilala ng social at humanitarian arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang agarang pagtugon ng social action ministries ng bawat diyosesis na lubhang naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Ayon kay Caritas Philippines president, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, ang mabilis na pagkilos ng bawat social arm ay patunay na nakatulong

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top