710 total views
Nanawagan ang Philippine National Police – Chaplain Service sa publiko na makiisa sa pagtiyak ng ligtas at mapayapang paggunita ng Undas sa bansa.
Ayon kay PNP – Chaplain Service Director Police Brigadier General Msgr. Jason Ortizo, mahalaga ang pakikiisa ng lahat sa pagtiyak ng ligtas, mapayapa at makabuluhang Undas ngayong taon.
Tinukoy ng opisyal ang mahalagang partisipasyon ng religious sector, mga opisyal ng pamayanan at lokal na pamahalaan para sa kaligtasan ng lahat.
“This is the mission of the PNP: to ensure a safe, secure and peaceful UNDAS 2022 Celebration. The PNP, with the active participation and support of the religious sector and community advisers in all municipalities and localities, is on full-alert status and will conduct various peace and security measures.” panawagan ng Pari.
Hinimok din ng Pari, ang bawat mamamayan kasama ang KASIMBAYANAN Partners, Spiritual Community Advisers at mga katuwang na maging alerto at mapagbantay sa paggunita ng Undas.
“With Our KASIMBAYANAN Partners, the Spiritual Community Advisers and the LGUs, we highly encourage everyone to be vigilant and proactive. Report any untoward incidents and approach any of our Law Enforcement Agencies, or our KASIMBAYANAN Partners,” dagdag pa ng Pari sa panayam ng Radio Veritas.