237 total views
Hinimok ni Military Ordinariate Bishop Oscar Jaime Florencio ang mga miyembro ng Philippine National Police Chaplains na maging mabuting ehemplo hindi lamang sa salita kundi sa kanilang pang-araw araw na pamumuhay.
Ang panawagan ng Obispo ay kaugnay sa pagkakasangkot ng ilang pulis sa katiwalian maging sa kalakalan ng ilegal na droga na kinasasangkutan ng mga tinaguriang Ninja cops.
Binigyan diin ng Obispo sa mga Chaplain na kabilang sa kanilang mandato bilang pulis at pari ay maging gabay sa pamumuhay ng kanilang mga kasamahan.
“Itong mga pari ko, I always tell them that you are there because you are priest you are not there because you are a policeman or with ranks you are priest and that is where you are ask to serve as priest, as moral compass,” ang bahagi ng pahayag ni Bishop Florencio.
Sinabi ni Bishop Florencio na may 26 na police Chaplains sa PNP na kabilang sa 190 libong pulis sa buong bansa na gumagabay sa mga pulis na tuparin ang misyon para sa kabutihan.
“To do what is right and to avoid what is not good and not at the service of the people.” pahayag ni Bishop Florencio sa Radio Veritas
Hindi naman inaasahan ni Bishop Florencio ang ginawang pagbibitiw ni PNP Chief Oscar Albayalde makaraang masangkot ang pangalan nito sa ‘Ninja Cops’.
Naniniwala ang Obispo na ang pagbibitiw ni Albayalde sa tungkulin ay para na rin pangalagaan ang buong institusyon ng PNP.
“Unang-una this is something na hindi ko inaasahan. But then because of the line of responsibility, I think that was a good move. That was a heroic moved on his part kasi nadawit ang whole organization. But I feel sad na umabot sa ganung punto,” ayon kay Bishop Florencio.
Unang nagsagawa ng retreat and recollection ang PNP chaplains sa St. Therese Shrine sa Villamor Airbase upang pag-ibayuhin ang kanilang pastoral work sa hanay ng pulisya.
Nagkasundo din ang Catholic Bishops Conference of the Philippines at PNP sa pagkakaroon ng mga paghuhubog sa hanay ng pulisya o ang “Kaunting Pahinga” na ang layunin ay mapag-ibayo ang kanilang tungkulin bilang tagapagpatupad ng batas, tagapangalaga at tagapaligtas ng mamamayan.