1,551 total views
Ikinararangal ni Philippine National Police Chief Rodolfo Azurin, Jr. ang pagkakahirang sa kaniya bilang miyembro ng five-man committee na susuri sa third level officers ng PNP.
Ayon kay Azurin na bagamat malaking pagsubok ang panibagong tungkulin, ipinagpapasalamat ng opisyal ang pagtitiwalang ibinigay sa kaniya ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na mapabilang sa mangangasiwa sa imbestigasyon sa hanay ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas.
“This moment in the PNP’s transformation journey will surely carve a mark in the nation’s history, and I am proud to be part of it,” pahayag ni Azurin.
Ibinahagi ni Azurin na bilang matagal nang miyembro ng PNP, kaniyang nasaksihan ang iba’t ibang pangyayari sa loob ng ahensya.
Naniniwala ang pinuno ng hanay ng pulisya na ang ipinagkatiwalang tungkulin ay napapanahon at magandang pagkakataon upang lubos na masuri ang katangian ng bawat third level officers.
Nananawagan naman si Azurin sa taumbayan gayundin sa Third level officers na magtiwala lamang sa pagsisikap ng PNP na mapabuti at mapatatag ang hanay ng pulisya para sa mas epektibong paglilingkod sa bayan.
“With this tall order, I assure all the third level officers of the PNP that the processes to be undertaken will be fair, objective and judicious at all stages, making sure that zero tolerance for personal biases and political color shall be observed. At the end of this exercise, we can be sure that the PNP will be in good and reliable hands of trustworthy 3rd level officers,” ayon kay Azurin.
Bahagi ng internal cleansing ng PNP ang pagbuo sa komite na mayroong limang miyembro na mangangasiwa sa pagsusuri at pag-iimbestiga sa third level officers na kinabibilangan ng mga colonel at general na nagsumite ng kanilang courtesy resignation.
Pinangunahan ni Azurin ang paghahain ng courtesy resignation at nanawagan sa 956 na mga opisyal ng PNP na makibahagi sa pagtugon sa problema ng ilegal na droga sa ahensya.