415 total views
Muling tiniyak ng Philippine National Police sa simbahan ang pakikipagtulungan sa pagdiriwang ng 500 Years of Christianity ng Pilipinas.
Ito ang inihayag ni Baguio Bishop Victor Bendico makaraang mag-courtesy call si PNP Chief Debold Sinas sa tanggapan ng obispo.
“He (PNP Chief Debold Sinas) said PNP will support 500 YOC celebration,” pagbabahagi ni Bishop Bendico sa Radio Veritas.
Pebrero 12, nang magtungo sa Baguio City si Sinas kasama ang walong opisyal ng PNP para dumalo sa mahalagang gawain sa Philippine Military Academy (PMA).
Kasama rin ni Sinas si Msgr. (P. B Gen) Jason Ortizo ang Vicar General ng Military Ordinariate of the Philippines, Msgr. (P.B Gen) Jason Ortizo, director ng PNP Chaplain Service, mga opisyal ng PNP chaplain Camp Bado Dangwa sa Benguet at iba pang opisyal.
Ang maikling pulong nina Bishop Bendico at mga opisyal ng PNP ay pagpapakita rin ng matibay na ugnayan ng magkabilang panig bilang magkatuwang sa pagpapatupad ng mga polisiya para sa ikabubuti ng nakararami.
Tagubilin din ni Sinas sa obispo na ipagbigay alam sa tanggapan ng PNP ang mga pulis na hindi ginagampanan ang mga tungkulin.
“The PNP Chief told us to report to him abusive police and those involved in drugs,” dagdag pa ni Bishop Bendico.
Una nang tiniyak ng simbahan ang pakikiisa sa pamahalaan at mga otoridad sa pagpapatupad sa mga patakaran lalo na kaugnay sa community quarantine para matiyak ang kaligtasan mula sa pandemya.