359 total views
Itinuturing na isang malaking salot sa sistema ng pulitika sa Pilipinas ang laganap na political dynasty o mga magkakamag anak na pulitiko.
Ayon kay Father Jerome Secillano executive secretary ng CBCP Episcopal Commission on Public Affairs nangangahulugan ito na pag-aalis ng karapatan at pagkakataon ang ibang may kakayahan na mamuno sa ating bayan.
Pahayag pa ng pari, ito ang dapat tutukan ng Simbahan at ng ibat-ibang grupo na maalis sa paniniwala ng sambayanang Filipino na makakatulong sa pagpapaunlad ng bayan ang political dynasty.
“Kapag mayroon kasing political dynasty tinatanggalan mo ng karapatan at pagkakataon yung iba na mamuno alam ko sa dinami-dami ng tao dito sa Pilipinas hindi naman siguro concentrated lang ang kakayahan sa isang pamilya o ilang pamilya meron diyan mayroong kakayahan wala nga lang resources kaya hindi na sila tumatakbp hindi na din sila naghahangad na maihalal kasi ang sistema ng pamumulitika natin dito dapat mayroon kang pera.” Pahayag ni Fr. Secillano sa panayam ng Radyo Veritas.
Sa halip sinabi ng pari na kapag concentrated sa isang pamilya ang pamumuno sa ating bayan animo tinanggalan na rin ng kinabukasan ang sambayanan dahil mas uunahin nila ang kapakanan ng kanilang pamilya kung saan dito na magsisimula ang paglaganao ng katiwalian na ugat ng kahirapan ng sambayanang Filipino.
“Kaya ito ay dapat na tutukan hindi lamang ng Simbahan hindi lang ng kung sino-sinong sektor kundi ng bawat Filipino na itong political dynasty ay isang pagkakamali sa sistema natin na nagsasabi na ang political dynasty ay makakatulong dahil yung pamilya ay mayroon din daw naman na maibigay o yung pamilya pero tatandaan natin na kapag yan ay concentrated na yan sa iisang pamilya parang tinanggalan mo na rin ang kinabukasan ng iilan kasi ang uunahin ng pamilya na yan na namumuno na ay yung sarili din nilang kapakanan at sila dina ng magkakaroon ng pananaw na wala namang puwedeng tumibag sa atin d ito ei kaya anuman ang gawin natin ay atin pa rin itio yan dapat ang putuling natin.” Ayon pa sa pari.
Sa datus ng Kongreso, umaabot sa 70 porsiyento na mga mababatas ay kabilang sa political dynasty at ang Pilipinas ay tinaguriang world capital of political dynasty dahil sa pagkakatala ng 178 na mga pulitriko ay miyembro ng political dynasty.
Kung saan dahil sa laganap na katiwalian na dulot ng political dynasty, nananatiling 50 porsiyento ng sambayanang Filipino ay naghihirap ayon sa survey ng Social Weather Stations o SWS survey .