424 total views
Maingay, mausok, at magulo. Kapanalig, ito na ang mga karaniwang pang-uring ginagamit upang ilarawan ang Metro Manila ngayon.
Hindi na natin masisi, kapanalig, ang ating mga kababayan na halos maisumpa na ang bagal ng traffic at hindi maasahang o unreliable mass transport sa Metro Manila. Tinatayang dalawang oras o mahigit pa ang travel time ng karaniwang empleyado mula sa Quezon City hanggang sa Makati. Kung umuulan, maaring umabot pa ng apat na oras pang ang usad ng traffic. Hindi lang abala sa oras ang haba ng traffic sa Metro Manila. Ang pollution levels na rin dito ay nakaka-alarma na.
Ayon sa datos ng Department of Environment and Resources Environmental Management Bureau(DENR-EMB) ang konsentrasyon ng air pollutants sa NCR noong 2015 ay umabot na ng 130 micrograms per normal cubic meter mula sa 106 noong 2014. Kapanalig, ng maximum safe level nito ay nasa 90 micrograms per normal cubic meter lamang. Ang polluants na ito, na binubuo ng suspended particulates (TSP) ay sobrang liit at kayang kayang makapasok sa ating mga baga. Nakaka-apekto ito ng ating baga at puso, at maarng magdulot ng malalang sakit.
Ayon sa World Health Organization (WHO) sa buong mundo, ang air pollution ay nagdudulot ng mahigit kumulang pitong milyong premature preventable deaths. Dahil dito, maituturing na ang air pollution ay isa sa pinakaigting environmental health risks sa buong mundo.
Malaking problema ito para sa mga bansang gaya ng Pilipinas kung saan ang access to health services ay mahirap at mahal. Hanggang ngayon, hirap pa rin nga ang laban ukol sa tuberculosis at mga heart-related diseases, madagdagan pa ng dagok ang ordinaryong mamamayan dahil sa perwisyo sa kalusugan na dala ng polusyon.
Ano nga ba ang mga mainam na hakbang upang mabawasan ang polusyon sa NCR?
Ayon sa WHO, kailangan tingnan natin ang mga polisiya na may kaugnay sa transport, energy, waste management at sa industry. Kailangan natin ng mga polisiya na mas kiling sa sustainability hindi lamang ng kapaligiran kundi ng buhay ng tao.
Isang balakid sa mga sustainable policies ay ang perspesyon ng mas malaking gastos para sa pagbabago. Ngunit kapanalig, kung iisipin, pihadong makakatipid ang bayan sa kalaunan dahil maiiwasan ang paglobo ng gastos sa health care.
Kapanalig, ang development ay para sa tao. Kung ang ating buhay ay nagiging pambayad natin sa mabilis na kaunlaran, hindi nga ba’t tama lang na suspendihin ang mga patakaran na dahang dahang pumapatay sa tao? Ang tunay na development, ayon sa Populorum Progresso ay “huhumingi ng matapang na transpormasyon at inobatibong aksyon.” Maging aral at hamon sana natin ang pahayag ni Pope Francis sa Laudato Si: It is not enough to balance, in the medium term, the protection of nature with financial gain, or the preservation of the environment with progress. Halfway measures simply delay the inevitable disaster. Put simply, it is a matter of redefining our notion of progress. A technological and economic development which does not leave in its wake a better world and an integrally higher quality of life cannot be considered progress. Frequently, in fact, people’s quality of life actually diminishes – by the deterioration of the environment, the low quality of food or the depletion of resources – in the midst of economic growth.