1,643 total views
Pumanaw na sa edad na 95 si Pope Emeritus Benedict the 16th sa ganap 9:34 ng umaga oras sa Vatican.
Ito ay ayon sa anunsyo ng Holy See kung saan tiniyak na mapayapang pumanaw ang dating Santo Papa sa Mater Ecclesiae Monastery sa Vatican.
Bago pa man pumanaw si Pope Benedict ay una ng hinayag ng Vatican Press Office ang patuloy na paglala ng kalagayan ng kalusugan ng dating Santo Papa.
““With sorrow I inform you that the Pope Emeritus, Benedict XVI, passed away today at 9:34 AM in the Mater Ecclesiae Monastery in the Vatican. Further information will be provided as soon as possible. As of Monday morning, 2 January 2023, the body of the Pope Emeritus will be in Saint Peter’s Basilica so the faithful can bid farewell,” ayon spa pahayag ng Holy See Press Office.
Noong December 28 sa pagharap ng Kaniyang Kabanalang Francisco sa kaniyang general audience ay nananawagan ang Santo Papa ng paggaling at pananalangin para kay Pope Benedict.
Bago rin pumanaw si Pope Benedict ay higit ring ipinahayag ng simbahang katolika ng Pilipinas ang pakikiisa at pag-aalay ng panalangin para sa ikabubuti ng kalusugan ng dating Santo Papa.