475 total views
Inanunsyo ng Holy See Press Office na tinanggap ng Kanyang Kabanalan Francisco ang imbistasyong pagbisita sa Kazakhstan.
Ayon kay Vatican Spokesperson Matteo Bruni, itinakda sa September 13 hanggang 15 ang pagbisita ng santo papa sa nasabing bansa.
Ito ay kasabay ng ikapitong Congress of Leaders of World and Traditional Religions na gaganapin sa Kazakhstan.
“Accepting the invitation of the civil and ecclesial authorities, Pope Francis will make the announced Apostolic Journey to Kazakhstan from 13 to 15 September this year, visiting the city of Nur-Sultan on the occasion of the VII Congress of Leaders of World and Traditional Religions,” bahagi ng pahayag ni Bruni.
Tema ng pagtitipon ngayon taon ang “The Role of Leaders of World and Traditional Faiths in the Socio-Spiritual Development of Humanity after the Pandemic”.
Ginaganap ang pagtitipon ng mga religious leaders mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo sa Nur-Sultan tuwing ikatlong taon.
Matatandaang 2003 nang ilunsad ni Kazakh President Nursultan Nazarbaev ang unang Congress na inspirasyon ng 1986 Day of Prayer for Peace ni Pope St. John Paul II na ginanap sa Assisi Italy.
Layunin ng nasabing pagtitipon ng mga religious leaders na isulong ang interreligious dialogue, kapayapaan at pagkakaisa sa lipunan.
Ito ang magiging ika – 38 Apostolic Visit ni Pope Francis mula nang manungkulang Santo Papa noong 2013.