1,714 total views
Tiniyak ng mga organizer ang muling pakikiisa ng kanyang Kabanalang Francisco sa World Meeting ng Economy of Francesco (EOF) Movement na idadoas sa Diocese of Assisi sa Italy.
Ayon sa mga organizers, katulad ng nakalipas na apat na taon sa pagkakatatag ng inisyatibo ay muling magpapaabot ng mensahe o personal na magtutungo ang Santo Papa sa isa sa mga araw ng pagdaraos ng gawain na magsisimula sa ika-6 ng Oktubre.
“The key point is keep deepening the problems that today’s economy must face and setting goals for the new year, the global economy is living in difficult times: the war in Europe and the many wars in the world, the environmental crisis getting worse and worse, the growing and new inequalities are some of the challenges that are becoming more and more serious and urgent,” ayon sa mensahe ng EOF organizers.
Sinabi ng mga organizer na layunin ding makamit ngayong taon ang hybrid na pagtitipon kung saan maaring dumalo sa mga online meetings ang ibang kalahok.
Layunin din ng pagtitipon sa October 6 na marinig ang boses ng mga hanggang sa pinaka-liblib na komunidad saan mang panig ng daigdig sa pamamagitan ng pagbahahagi ng kanilang kuwento upang magkaroon ng kamalayan ang ibat-ibang bansa kanilang mga kinakaharap na suliranin.
“Entitled “The 25th hour. EoF (on air) Global Gathering” will therefore seek to collect stories, dreams, vocations and experiences that are part of the capital of The Economy of Francesco and that have a voice and a face in each of the young protagonists of this global community, there are great expectations for the message that the Holy Father will address to the young economists and entrepreneurs of the world, gathered online for the occasion,” ayon sa pa sa mensahe ng mga organizers.
Noong nakalipas na taon, sa personal na pagpunta ni Pope Francis sa huling araw ng pagtitipon ay kaniyang mensahe ang kahalagahan ng pagbubuklod ng sanlibutan upang tugunan ang mga problema sa ekonomiya.
Ito ay upang sama-samang malutas ang mga suliranin at maitaas ang antas ng pamumuhay at dignidad higit na ng mga mahihirap na mamamayan sa ibat-ibang panig ng daigdig.
Sa kauna-unanahang pagtitipon rin ng EOF Advocates noong nakalipas matapos ang pandemya ay umabot sa isang libong mga kabataan at ekonomista mula sa 100-bansa ang dumalo sa world meeting ng EOF Movements.