283 total views
Itinakda ang susunod na 3-day Philippine Conference on the New Evangelization (PCNE5) sa July 20-22 ng susunod na taon.
Ito ang inihayag ng pamunuan ng PCNE sa katatapos na conference na ginanap sa Quadricentennial Pavilion ng University of Santo Tomas.
Ang pagtitipon ay nagtapos sa pamamagitan ng misang pinangunahan ni Most Reverend Salvatore Rino Fisichella, President ng Pontifical Council on New Evangelization.
Ipinaabot din ni Archbishop Fisichella ang pagbagti at pagbabasbas ng kanyang Kabanalan Francisco sa mga dumalo sa PCNE4.
“Please extend my greetings and blessings to the delegates. Tell them to please always pray for me,” ayon pa kay Arcbishop Fisichella na habilin ni Pope Francis.
Umaabot sa 6,150 ang registered attendees ng conference ngayong taon na mas mataas sa nagpatala sa nakalipas na PCNE na umaabot ng 4,000.
Hinikayat naman ni Manila Arcbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga delegado na pagsikapan na maisabuhay ang mga natutunan sa PCNE4 na ang layunin ay maipag-ibayo ang pananampalatayang Kristyano, pakikiisa at pakikipagkapwa tao sa kabila ng pagkakaiba ng pananampalayata.
“Let us all work and pray for communion of one heart and soul,” habilin pa ni Cardinal Tagle.
Ilan sa mga naging speakers sa PCNE4 ay sina Archbishop Bernardito Auza, Permanent Observer of the Holy See to the United Nation; Cotabato Arcbishop Orlando Cardinal Quevedo; in-coming CBCP Vice President Kalookan Bishop Pablo Virgilio David; at peace advocate Honey Usman.
Nagbahagi rin ng kanilang karanasan sa pananampalataya ang celebrities na sina Dindong Dantes, Alden Richards at Dimples Romana.