507 total views
Nagpaabot ng pagbati ang Kanyang Kabanalan Francisco kay President-elect Ferdinand Marcos Jr. bilang ika – 17 pangulo ng Pilipinas.
Sa mensaheng ibinahagi ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ipinaabot ng santo papa ang taus-pusong pagbati sa bagong halal na pangulo ng bansa.
“I send my congratulations and cordial wishes to Your Excellency as you begin your mandate as the President of the Republic,” bahagi ng mensahe ni Pope Francis.
Dalangin ng Santo Papa ang katatagan ni President-elect Marcos Jr. sa pamumuno sa mahigit isandaang milyong Pilipino.
“In assuring you of my prayers that you will be sustained in wisdom and strength, I invoke Almighty God’s blessings of peace and prosperity upon the nation,” dagdag pa ng santo papa.
Nauna nang sinabi ni Archbishop Brown sa Radio Veritas ang positibong pakikipag-usap kay President-elect Marcos Jr. nang mag-courtesy call ito noong June 10 kung saan sentro ng talakayan ang pagpapatibay sa relasyon ng simbahan at pamahalaan.
Read; BBM, nakahandang makipagtulungan sa Simbahan
Sa June 30 ay pormal na manumpa at uupong ika – 17 pangulo ng Pilipinas si President-elect Marcos Jr. matapos piliin ng mayorya ng mga Pilipino sa nakalipas na 2022 national and local elections noong Mayo.
Isasagawa ang panunumpa sa National Museum of the Philippines alas dose ng tanghali na pangangasiwaan ni Supreme Court (SC) Chief Justice Alexander Gesmundo.